CHAPTER 22:

87 0 0
                                    

"Ano ok ka na ba? Sabi ni Dok Ber namamaga daw yung paa mo, kelangan mo daw muna ipahinga"

Tumango ako at pilit na tiningnan ang paa. Napakislot ako sa sakit at sumandal na lang at pumikit

"Salamat nga pala Dyosa" nagmulat ako at ngumiti sa kanya

"HAHAHAHA" malakas nyang tawa na may hampas pa sa balikat ko

"Ay sorry nemen"

"Ok lang, salamat talaga sa paghatid mo sakin dito ha?"

"Ano ka ba. Wala yun. Hindi dapat pinapabayaan ng Dyosa ang isa pang Dyosa diba?" at nako bading talaga sya haha sayang gwapo pa naman.

"Thank you talaga. Ako nga pala si Saia Marie Dimaguila" I offer my right hand at ngumiti sa kanya. Kundi dahil sa kanya baka inugatan nako dun pag aantay kay Superman para alalayan ako dito sa clinic. Hindi si Superman ang dumating eh, si Darna hahahaha

"Nice to meet you dyosang Saia. Ako nga pala si Philip Salvador hahaha echosa!! I'm Philip Sandoval but you can call me dyosang Phil. O kaya para walang sabunutan na maganap sa tin, you can call me Fea"

Nag shake hands kaming dalawa. Wow new found friend Philip ah este Fea pala. He was so gorgeous promise, sayang sya. Sya ay confirm na that's my TAMBAY! Ay mali POGAY pala :D

"If you don't mind me asking Saia, anung course mo ba? At anung ineeksena ng drama rama sa primetime bida mo dun?"

"Ako?....."

"Hindi ako." malamig nyang komento sabay peace sign. Magaan agad ang loob ko sa kanya at hindi ako natatakot na sabihin sa kanya ang mga eksena ko in the near future

"Civil Engineering ang course ko at anong ginagawa ko dun? Wala........wala lang tambay lang"

And I assure you all, hindi sya naniwala sa second statement ko.

"Anung inaawra mo dun talaga ateh? Witang maniniwala sayo kung sa iba mo naibroadcast yan"

"Ha? Why?"

Lumapit sya sa may tenga ko at may binulong

"Dahil................."

blaaaaaagggggg!!!! bumukas ng malakas ang pinto at nagulantang lahat ng tao sa clinic maging kami ni Philip

"SAIA!!!!"

Nakita ko agad kung sino ang gumawa ng eksena

"Isaiah?" patanong kong tawag sa kanya na agad kumuha ng atensyon nya

He was releaved when he saw me but shifts his mood so fast after he saw Philip beside me

Binatak nya yung polo ni Philip

"Isaiah stop it!!" pilit kong pigil sa kanya

"Eto ba nanakit sayo ha?" tanong nya sakin pero hindi naman nakatingin sakin

"NO! Hindi noh!"

"Who is he Saia? Do I know you huh?? Answer me!" pasigaw na tanong nya kay Philip na mas lalong kinatakot nya dito

"Dyosa wita ako mabreath" pag saklolo ni Philip

"What?" Isaiah asked in confusion, lumuwag ang pagkakabatak nya sa polo ni Philip at lumingon sakin

"What is wita? Who is he anyway?"

Umiling ako at tumingin ng masama. Nakuha nya agad ang ibig kong sabihin at binitiwan na si Philip ng tuluyan. Inayos ni Philip ang sarili sa maliit na salamin na nakasabit sa wall

"Imbernadette Sembrano! Ang polo ko" sabi nya

"What?" Isaiah asked again. Pinalapit ko sya sakin na agad naman nyang sinunod at tinuktukan ko sya gamit ang unan ko sa may likod ko

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon