CHAPTER 14

96 1 0
                                    

Nakapagpalit na ko ng P.E uniform namin. Physical education tama kayo haha. Sa gym kami ngayong hapon. Paglabas ko, nakita ko yung dalawa naka P.E uniform narin at nagaantay habang nagkukwentuhan.

Medyo maraming dumaraan kaya hindi ko masyadong kita. Kasi parang may kausap pa sila eh. Lilinga linga ako (kasi maliit diba?). pag ka lagpas ko sa mga students na dumaan.

"Hahahaha palabiro ka pala Isaiah eh" sabay hampas nya kay Isaiah

Si……Megan??

Maya maya, napalingon sakin si Megan at kumaway. Kumaway narin ako at lumapit sa kanila.

Ngumiti lang ako

"Ah naku napadaan lang ako. Pumunta kasi akong yellow building eh, pabalik na ko sa COE building" sabi pa nya habang halos malaglag ang dalang gamit

"Tulungan na kita" sabay salo ni Isaiah ng gamit at pinulot narin yung ibang nakabagsak

"Ah….naku wag na----"

"No, I insist. And besides di kana nga makadala oh" at lumakad sya pauna

"I'll help Megan muna dito ha? I'll catch up, una na kayo sa gym" sabi pa nya habang naglalakad sa hall way

"Sige pre!" sagot ni Simon

"Sige alis nako ha?" pagpapaalam ni Megan

Kumaway na lang ako, at sa nabasa nyo eh wala akong dialogue sa eksenang yan. Tanging ngiti at kaway lang ang nagawa ko. Hindi ko alam kung bakit at ano bang dahilan kung bakit ganun eh. Dahil ba andun si Megan at bigla kong naalala yung narinig ko o andun si Megan at parang nag iba yung aura ni Isaiah. Na mas naging cheerful at gentleman sya iba basta! At yun ang kinakaselos ko. Dahil ba kay Megan?

==

"Ok ka lang?" usisa ni Simon

Nakaupo kami sa bleachers ng gym habang inaantay ang P.E professor namin. May meeting daw eh kaya wala pa. at si Isaiah, wala parin

Tumango lang ako at nag pangalumbaba na lang. nakakabagot naman, anong gagawin namin? Mag kacartwheel? Malamang physical fitness test nanaman to, or for worse, exam. Bahala na, stack knowledge na lang. wala ako sa mood mag review, gusto ko na nga lang umuwi eh.

"Kyaaaaaa!!!! Go go! M.E!!" cheer nung mga girls. Nga pala, may naglalaro ng basketball dito sa gym ngayon, dahil wala ako sa mood. Jed madela nalang kung sino ba sila.

(Autho's note: Jed Madela – dedma)

"Takteng astig ng mga Drafting ah!!" hiyaw ni Simon sa tabi ko

"Nakakaalog lang po? Pwede usog kang konti?" tugon ko kay Simon

"Tsaka sino naman yang mga yan?" tanong ko pa

"Drafting Technology ng C.I.T vs Mechanical Engineering ng COEng ang naglalaban. Exam ata eh" pagpapaliwanag nya

"Exam? Basketball mismo?" tanong ko. At tiningnan ko na kung sinu-sino ba yung mga yun

"Kyaaaaa! Go Ichi!!" cheer ng mga girls. Pota, sya nanaman? 0__0!! Napatayo ako sa gulat na kinatigil ni Simon sa paghiyaw

Napaupo na lang ako ulit at umayos na parang walang nangyari.

"Ano…..anong team yung mga naka red na jersey na yun oh?" turo ko sa isa sa mga naka red jersey.

"Ah..yan ata ang M.E eh" sagot ni Simon

Tapos napansin ko nga na pare-pareho sila ng suot ng jersey so as the other team which is wearing blue.

"Gwapo mo Gen!!" sigaw nung isa sa mga kaklase ko. Napalingon ako at si Marisa pala yun. Haha

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon