CHAPTER 4: DIAMOND THEATER

98 0 0
                                    

WEDNESDAY 

4:30 PM

Oh yeah! UWIAN NA!!!! Hep Hep!!!! Teka nga pala, nilabas ko yung flyer tas tiningnan ko

Want to show off your talent? Want to enhance your skills in acting, dancing and singing? Want to boost your confidence? Try auditioning now on Diamond Theater. 

blah blah blah at RSC THEATER. Mondays-Saturdays 9:00 PM-5:00PM and bring your music materials. SEE YOU THERE 

Ah ok. .Lilinga linga ako kasi hinahanap ko yung theater. Wala nga pala sina Simon at Isaiah. Nag try out sa basketball, sabi ko gagala muna ako habang inaantay sila pauwi.

Eh teka, bakit hinahanap ko yung theater? Mag o-audition ka teh? Di ako nainform may talent ka na pala.

Maya-maya, may mangilan-ngilang estudyante na naglalakad papunta sa iisang direksyon. Eh dahil may lahi akong usyosera eh tiningnan ko nadin kung ano ba yun. 

Pag liko ko sa kanan, andaming tao. Dun sa may Gazeebo, may speaker na malaki tas parang hip hop yung tugtog. Tas nakita ko sa banner. ‘dance troupe audition’ ay peste -___- kala ko eto na yun. Manlalait lang ako ng mga pilengera sumayaw. Oh ako na magaling. Letse la nga kong talent eh HAHAHA :D

Tas lakad ulit, nakita ko naman sa may likod ng Business Affairs Building. Eh mga nakapila. Siguro sa ROTC yun. Mga nakalinya tas yung dalwa nag papumpings. Tae hirap nun bui. Goodluck sa binti mo. Tas lakad ulet, sa lapit lang nung Business Affairs Building, mga students na may dalang instruments. Ay nako para sa banda rito, banda roon ata ang audition dito. Sa di kalayuan, yung para naman sa choir. Makapag audition kaya? Peste ka Saia, makapag ambisyon ka ah? 

Letse nawawala na ko 0___0! Nasan naba yung pesteng theater na yun? Pag kanan ko tas deretsong lakad, may nakita akong building na kakaiba, yung malaki tas may pag ka slant yung harap basta ang arte. HASHTAG medyo tanga ako. Eh inikot ko lang yung mga building eh. Nasa kaliwa lang pala to! ang THEATER

Anong pinairal? KATANGAHAN (insert wonder pets tone here) lalala.

Move on na ha? Tas yun pumasok na ko. May mga nakasabay ako na mga todo costume pa kala mo mag o-audition sa pag aartista. Naku lagot tong mga to sakin. Mamatay kayo sa lait. Yan tayo eh, kaya di ako biniyayaan ni Lord ng height abot langit kasi ang panlalait eh. Tsk! Tsk!

Nung deretso na kong lalakad.

bugsssss!!!!! 

“ARAY!!!!” hiyaw ko. bakit ka nyo? nabagsakan lang naman ng props yung paa ko, kung ano man yun eh hindi ko alam basta ang alam ko mabigat sya

“Taena naman oh” sabi ko pa. Pag tingala ko. Nakatayo lang yung matangkad na lalaki tas matalim ang tingin.

Peste kaw pa me ganang tumingin ng ganyan? Tusukin ko kaya yang singkit mong mata?

Kinuha nya lang yung props tas umalis na hindi man lang nag sosorry

“Peste, sorry sorry din pag may time ha?” sigaw ko pa. Letse madapa ka sana

“Pare habulin daw sabi ni Sir” sabay litaw sa eksena ni boylet 1, naka uniform sya. baka ahead sya sakin. Pag ka sigaw nya, sabay lingon nya sakin, eh nakaupo ako nun, tinatali yung sintas ng sapatos ko

“Miss, excuse me, may nakita ka bang lalaki na dumaan?” tanong nya sakin politely.

Ako, tumingin ng matalim sa kanya saglit, malamang kasamahan nya yung pesteng yun

“Oo bakit? Kasamahan mo?”

Tumango sya

“Peste, pagsabihan mo ha? Tulog ata nung nag aaral ng good manners at right conduct nung elementary sya” pispis ko sa paa ko tska ako tumayo

“Bakit miss? May ginawa bang kalokohan?”

“Binagsakan lang naman nya ko ng props sa paa. Tas umalis at di nag sorry as if nothing happened?” taray na sagot ko pa sa kanya habang sinukbit ang bag

“Ako na ang nag aapologize sa ginawa nya” sabay ngiti sakin na nag kamot pa ng noo. Halatang sakit sa ulo ang kapreng yun.

“anyways, are you here for the audition?” tanong nya

“Ha? ah eh….”

“C’mon” at hinatak nya ko papasok

Pagbukas nya ng isa pang pinto. (sa may main entrance door na dalawa yung pinto kami nag kabangaang nung kapre tas may pagpasok mo, may pinto pa sa magkabilang sides tapos dalawa din pero medyo maliit na

“Are you a freshman?” tanong nya habang naglalakad kami. Wow lakas makaaircon dito ah? I knew it, kaya mahal yung tuition dito eh, dahil sa aircon na to haha

“Ah opo at hindi naman ako mag….”

“Tarika upo ka” at niyaya nya ko sa may unahan sa second row sa center seat.

May mga iba na nag vovocal exercise na at nag iistreching thingy na. Ako, lilinga linga takte, what am I doing in this place? I should leave na

Bago pa ko makaporma eh may nagsalita sa unahan.

“Good afternoon everyone” ngiti nyang bati. Si Megan

“Ready na ba kayo to show your talent?”

“oo naman” chorus na sagot nitong mga kalapit ko

“I’m Megan Castillo, I’m 2nd year BSE Major in Content Course from the College of Education. And I’m one of the facilitators of this audition. I know na mas marami ang mga aspiring actors,actresses,dancers and singers na mag auaudition from Freshmen this year. So I’m sooooo excited na eh kayo?”

“OO NAMAN” hiyaw nilang lahat sabay palakpak

“I’m so glad na first week pa lang, marami na ang gusto mag try. Just do your best ok? Coz si Mr. Verano, ang aming theater director ang mag eevaluate sa inyo ok? So goodluck and Godbless us all” sabay bow nya. Ganda nya talaga

Nalimutan ko na yung pag eskaplayt ko, nalibang ako. Alis na ko

Tip toe, tip toe at……

“Hui!” someone whispers. Dahan dahan pa paglingon ko na kala mo shop lifter. Si Megan lang pala

“Saia!” sabay yakap sakin

“I’m so glad you came!”

“Came lang naman di ba? Sabi mo daan ako so I did. Medyo naligaw pa nga ako eh” sabi ko

“Ganun? di ka mag auaudition?” malungkot nyang tanong na medyo nakakaguilty sagutin

“Hindi talaga, wala talaga akong talent eh” sabay tawa na peke talaga

“Sensya na ha?” dugtong ko pa

“Naku ok lang yun” sabay ngiti nya sakin

“Uhm….sige alis na ko, baka ako na yung inaantay nung mga aantayin ko eh”

“Ha?” nagulumihanan ata sa sinabi ko

“Hahaha gulo no? Sige labas na ko”

“Naku hatid na kita” sabay sabi nya

Paglabas namin, andun na si Simon nag aantay

“Hoy buti dito kami tumambay, san kaba nag sususuot ha?” tanong ni Simon sakin

“Wala, sumilip lang ako dun oh” nainguso ko yung tarpaulin sa may entrance

“Theater?” tanong nya

“Hindi. Theater.” pabalang kong sagot

Tapos dumating si Isaiah

“Oh andito lang pala tong batang to eh” sabi nya sabay  ngiti

“Hi…” ^----^ pacute na bati ko

“Sino sila?” tanong ni Megan

“Ah…mga kaklase ko”

“Si Simon at si …..” buntong hininga “Isaiah” sabay tingin nya kay Isaiah

“Hi I’m Megan Castillo” sabay ngiti nya

Si Isaiah parang wala sa wisyo

TEKA LANG….0_____0! ANO TOH???????

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon