11:30 PM
New year's eve na! Tatalon ba ako na parang baliw mamaya? Pwede mag baka-sakali? Wag KJ please? Hahahaha
"Saia labas na!!" Sigaw ni Kuya mula sa labas
"Oo pa dyan na!!" kinuha ko muna yung phone ko at nanakbo na palabas. Talk about polk-a-dots? Hahaha uso eh.
Dumeretso ako sa may kalsada sa subdivision. Ang maganda kasi dito sa San Juan eh pag new year, lahat nasa labas ng kalsada pag count down na. Tapos batian after tas daan daan sa mga bahay bahay to gave food.
Sendan ko kaya muna sina Phil ng greetings, baka kasi hindi ko na sila magreet tsaka mag tu-12 narin naman eh.
MESSAGE SENDING FAILED
Ha? O___O! Ah teka ilang percent narin lang pala ang battery netoh. Bat hindi naicharge kanina eh
Pag check ko ng balance. *102#
-_____- processing
0.00 balance??????? ANAK NG PETCHAY!!!
"Mama may load ka ba? Papasa"
"Anak hindi naman pareho ang sim card natin diba?"
Ay? Oo nga pala, iba yung ginagamit nilang lahat na sim card. Ako lang ang naka sim card na pang estudyante rito. Tsk! Tsk! Tsk!
San ako mag papaload netoh?? HUHUHUHU gusto ko pa naman silang igreet thru call, minsan lang ako mag call eh tapos napurnada pa. Ay peste naman oo.
"Sorry Saia ha? hindi na maprocess kasi maraming gumagamit ng service. Mahirap talagang mag process ng promo loads at services pag mga gantong okasyon."
"Sige Ate Nesa thank you" ngiti ko at umalis na
"Punta ako sa inyo mamaya pakisabi sa Mama mo. Happy new year"
"Sa inyo rin"
Naglakad na ako pabalik ng bahay, 7 houses away lang naman ang bahay nina Ate Nesa at nagloload sya kahit nasa bahay lang. Wala narin pala
T_____T naku Saia! Wag kang madepres! Bad vibes yan! Batiin mo na lang sila sa FB.
"Talaga totoo yun?"
"Oo totoo yun"
"Hi Saia!"
"Hi Bam" bati ko sila. Nakatambay na sila sa labas para sa fireworks mamaya sa subdivision
"Ano yang totoo na yan?" At dahil may lahi akong chismosa ah este matanong eh naki usyoso nako. Hay nako, pinaganda ko lang yung term
"Ah yung kasabihan na itatakda ang makakasama mo sa buong taon kapag sya yung kasama mo sa pagpatak ng alas dose"
"Ha? Ganun ba yun?"
"Oo daw eh. Perfect daw yun sa mga bago palang mag kakilala. More on finding your love daw ang tunay na meaning nun"
"Hindi involve ang family?"
"hindi kasi matic na yung pamilya."
"Ah...."
Ano daw yun? Paki explain nga sakin ang lahat ng to. Lab yu hahaha joke lang
"Sige alis nako mag 12 na eh"
"Sige bye!!"
At tumakbo na ako pabalik. Anak ng!! Lobat na pala ang cp ko O___O!! At dahil dyan nag eye shield na ako para naman maicharge na agad. Lalo ko na silang di mababati nyan eh T__T. Yung free data lang ang inaasahan ko ngayon para kahit papano mabati ko sila sa FB tas nalobat pa??? Anak ng siomai naman oo. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"