LegendaryGirl A: Waaah hisashiburi (its been so long) Pasensya na kung magiging mas mahaba ang chapter na toh than usual. Last year ko pa natapos ang Chapters pero ngayon ko lang narealize na DALAWA pala yung Chapter 64 hahaha nyek? So sinama ko nalang sa Chapter 65. Enjoy reading miina (^O^)/
Parang lumilindol. Bugs! Bugs! Bugs! Parang lindol na galing sa naglalakad na higante kasi bukod sa mabagal na malakas pa ang impact. Bugs! Bugs! Bugs! Bugs!
Unti unti kong naimulat yung mata ko. Aba teka? Asan ba ko? Nakatulog ba ko? Pero anong lugar to? Parang anghel yung nakatapat sa mukha ko. Huh? Sino ba to??? At tsaka ansakit sa mata nung liwanag.
"Saia" ang sweet naman ng boses nya, tinatawag nya ko ng malumanay pero parang lumalakas. Teka
"Saia!!!!" tapos napamulat na ko ng tuluyan at nakitang si Kapre pala
"Good morning" ngiti kong bati sa kanya
"Gusto mong ilaglag kita?" irita nyang sambit sakin. Nasan ba ko? Bat ilalaglag nya ko? Tapos narealize ko nalang buhat buhat nya pala ako na parang prinsesa. Anak ng! Syet! Nakatulog ako. Kaya pala iritang irita na sya.
Tapos bigla nya kong binaba as in bigla, buti nakakapit ako sa may leeg nya kaya halos nadala sya.
"What the heck!" He was really irritaty ay irritated pala and he arranged his v-neck shirt.
"Asan na tayo?" tanong ko. Napalingon ako dahil nasa naglalakad kami sa may entrance ng isang magandang beach resort.
"Sa pluto"
"Haha joke time koyah?"
"Just get your bag and let's go, they left us already. Phil said he will bring your mini bag or something" At iniwan nya ko sa mabalis nyang lakad at dahil talent ko yung mabilis na lakad ay nasusundan ko sya kahit papano
"Ano nanaman ang kinaiinit ng bumbunan mo ha?"
"I'm just hungry" he said looking straight forward while walking
"Ano ba yun? Ano ba yun? Ano ba yun?"
"Will you please shut up!" nabigla ako sa sigaw nya at napatulala
"Sorry" I said at naglakad na lang
"Ganda mo kasi eh" bigla nyang banggit. I know right ako pa ba? Ay joke lang. Teka bakit nya nabanggit yun?
"Teka bakit?"
"Yung prinsipe mo kasi nag iinsist na sya ang mag buhat sayo"
"Oh so? Bat dimo pinabayaan?"
"Asar ako eh sabi ko may girlfriend sya bakit di yun ang akayin nya halos magkainitan nanaman kami kanina"
"At proud ka pa? Anong problema dun?"
"Nasasaktan si Megan"
"Ay anak ng tinapay! Malamang masasaktan yun, pero diba dapat pinabayaan mo na lang? Ano ka ba medyo tanga? Chance na yun eh."
"Edi nagmukha akong walang pakialam sayo. At tsaka pano kaba gisingin ha? Kelangan inaakay lagi? Grabe tulog mantika ka aba"
"Ilang beses mo ba ako ginising ha? Sa mukha mung yan alam kong wala kang oras na gisingin ako ng hindi lalagpas sa limang beses"
"I tried to wake you up nung nagising ako, nung nag papark na yung shuttle nung nag aaway kami nung kumag na yun at nung iniwan na tayo. Grabe ka naman matulog"
"Nakakangalay kasi yang ulo mo! Ambigat ano ba yang asuge sa ulo mo may hollow blocks?"
"Huh" Irita nyang pagtataka
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"