Legendary Girl-A:
Isidro 'ICHI' Rodriguez III's POV will be entitled special chapters. Dito tayo malilinawan sa kung ano ba ang ibang parte ng mga pangyayari sa kanila. Na kung ano nga ba ang tinatakbo ng isip nya. Hayaan naman natin syang magkwento bida din sya hahaha
Paano nga ba biglaang nagbago ang pagtingin ni Ichi kay Saia? Here's a bit of his thoughts.
ICHI RODRIGUEZ's POV
Ano ba tong ginagawa ko? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko? HIndi ko alam kung mag sisisi ba ako pag pinagtapat ko kay Saia na mahal ko na sya o magsisisi sa future kapag sinalo nya si Isaiah.
Kelan ko ba sya minahal? Hindi ko rin alam, hindi ko talaga alam! Maniwala kayo sakin hindi ako umaarte, alam kong charming ako at magaling sa broadway act pero iba to! Hindi ko pwedeng ipahayag ang damdamin ko bilang isang gwapong indibidwal na nagmamahal?
Kelan ko nga ba toh naramdaman? Mula ba nung hinalikan ko sya sa beach? Nung nandun kami? Nung naramdaman ko na ayaw ko na kasama nya si Isaiah? Nang hindi ko man lang sya nabati at naasar nung Pasko? Paano ba ako naging masaya kapag kasama sya? Hindi ko alam, pag gising ko nalang hinanap ko na sya. Gusto ko na syang makita. Siguro nga naramdaman ko toh nung panahon na kakatapos lang ng incident sa beach.
"Hoy Kapre!!" tabig nya sakin. "Nyare sayo?" tanong nya. Bumalik ako sa ulirat at narealize na nag mumunimuni na habang inaalala kung kelan nga ba ako nagsimulang mahulog sa kanya.
Nasa japanese resto kami at kumakain. Niyaya ko syang lumabas ngayong sabado kasi trip ko. Gusto ko kasi sya agad makita. Sa totoo lang mula nung maramdaman ko na mahal ko na sya, ayoko na ng sabado at linggo kasi hindi kami mag kasama. Hindi ko sya nakikita. Hay naman!!!
"Anong pake mo? Kumain ka na nga" sabi ko sa kanya at umirap sya. Abat!!
"tss! Nakaka BV ka talaga, yayayain mo ko ngayong sabado tapos susungitan mo lang ako? Nag tetekken yung tao sa bahay eh"
"Sabi ko sayo mag dedate tayo diba?"
"Date ba toh? Eh parang pwersahan, tawag dito kidnap" sabay kain nya ng sushi
"Kidnap? Bakit kid ka ba? Tsaka hindi naman kita kinuha mula sa inyo ah?"
"kid? huh? Ang korni mo! Tsaka kahit san banda talagang pwersahan toh!"
"Ewan ko sayo. Hindi ka pa nagpapasalamat at libre ka?" at kumain na lang ako.
"Pasalamat ka libre to" sabay irap nya sakin
Pag pinagmamasdan ko sya, wala naman talagang espesyal sa kanya. Oo cute sya kasi mukha syang keychain pero andaldal at ingay nya. Napakasungit pa, wala ring bait sa katawan tapos pag nakikipag usap sakin kala mo ex-convic ako. Kaya nakakairita. Pero, kahit ganun, sobrang tanggap ko lahat ng katangahan at kamalian nya. Sobrang sumasaya ako kapag kasama sya at hindi ko rin napipigilan na ngumiti kaya mukha akong baliw na pogi. Hay nako Saia! Anlakas na yata ng tama ko sayo.
"Hoy Kapre!" tawag nya sakin at napablink ako.
"Ano?"
"May regalo ka ba sakin sa valentines?" sabi nya? Namula ako bigla at napalingon sa ibang direksyo
"Huh anong regalo? required ba yun? Hanggang sukdulan ba talaga ang pagiging demanding mo ha?"
"Hoy wag ka ngang KJ pwede? Nagjojoke lang ako"
"Kahit gano kabango pa yung ginamit mong sentence mag fafall parin yan sa salitang Demanding"
"Tss!"
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"