CHAPTER 23:

85 0 0
                                    

Pag taas ko sa library, may mangilan ngilan pang estudyante na nakatambay sa labas, yung iba nag gagawa ng plate. Yung iba nag babasa ng libro at yung iba nag papahagin na lang. Pag pasok ko sa main library, mas maraming nakatambay na lang dito. Nagpapa aircon.

Dumeretso ako sa Periodical Section at sumilip sa may parang counter like window para isoli ang libro

"Good afternoon po" mahina kong tawag

-______- walang sumasagot. Maaga pa naman ah? Bat wala ng tao dito?

"Hello......."

Maya maya may nagtakip ng mata ko ang I gasped in surprise

"Guess who" bulong sakin. He's a he and I can't identify who the hell is he haha redundancy

Kinurot ko yung kamay nya

"Aray" napabitaw agad sya

Paglingon ko, si Gen ang nakita ko sa likod ko.

"Gen?"

"Hi"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit bawal ba ko dito? Eh ikaw?"

"Magsosoli ako ng libro eh mukhang naabandona na ata tong section na to eh" I pointed at the periodical section. Natawa sya at maya maya ay lumakad papunta sa loob

"Hoy teka bawal dyan"

"Anong bawal?"

"Bakit staff ka ba dyan? Feeling mo rin eh no?"

Hindi nya ako pinansin at nagbuklat ng kung ano. maya maya napailing sya at tumingin sakin

"Pang 3 days lang yang hiniram mo ah? Pano na lang kung si Maam Dela Paz ang nakaharap mo dito? Edi yari ka?"

"Ha?"

Maya maya may nilagay sya sa left chest nya

Gen Philip

Librarian

Napakunot ang noo ko at tumingin sa nakangising si Gen.

"Ikaw ay.."

"Yup! Akina na yan para mapabilis ka"

At inasikaso na nya yung libro at binalik ang library card ko.

"Yan ha? Ok na"

"Thank you"

"Gusto mo mag student librarian? Para naman may kasama na ko dito"

"Sige pag iisipan ko"

"Sige bye girlfriend"

Tumingin ako ng masama sa kanya at tumawa sya

Pabalik na ko sa cafeteria nang may madaan akong lalaki na masama ang tingin sakin. Nakaupo sya sa bench. Natigilan ako ng si Kapre ang makita ko.

Kumaway sya sakin at sumaludo. Nanlaki ang mata ko at kumaripas ng lakad papasok sa cafeteria.

==

"Clearance na lang pala for next 2 days noh?" sabi ni Megan

"Oo nga eh, bakasyon galore!!!" hiyaw ni Simon

"Diba may pratice pa tayo ng basketball"

"Ay oo nga pala, may rehearsals pa rin kami naku naman"

" Hahaha ako tanungin nyo? Hayahay ang buhay ko" pag yayabang ko sa tatlo

"Oh ikaw na talaga" sambit ni Simon

Palabas na kami ng gate nang makuha ni Ichi ang atensyon ko, nakatingin sya sakin at sumaludo nanaman sabay pakita ng cell phone. OHMEGED!!!! 0__0!!! Kumaripas ako ng takbo sa direksyon nya

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon