CHAPTER 19:

75 0 0
                                    

Papadyak ako na lumakad palabas pagtapos ipabalot yung regalo ko at kunin ang bag ko.

Nakakainis lang po kasi talaga eh, naisahan nya ko. Nice nga nya eh manloloko naman galingin eh noh?

Pagdating ko sa Infinitea, nakita ko yung kotse na kulay silver. Syet kay Kuya yun patay. Pagpasok ko sa loob, ansama ng tingin nya sakin

"May itatagal ka pa ba?" bungad nya sakin habang hinahalo yung inorder nya.

"Sorry Kuya, may nangyari lang kasi"

"Ewan ko sayo. Tara na, kaw naman isasangkalan ko pag nainis si Mama at Daddy eh

"Oo na! Ako naman lagi eh"

"Lugi ka pa? Eh ano ba yang nabili mo?"

"Naku unicorn stuff toy na lang"

'Ah yung kay Agnes sa despicable me?"

"Oo yun na lang, hay nako kainis kasi eh"

"Bakit?"

"Bali may bibilin na kong regalo na sure akong matutuwa si Tricia eh nagoyo ako nung isang lalaki na nakasabay ko naunahan ako. Badtrip lang"

"Magugustuhan din nya yan, kaw pa ba? Sya sige tara na" at niyaya na nya ko sa labas

"Di mo ko ibibili?"

"At iiwan kita dito?"

"sungit" at nagderederetso sya paglalakad

Nagbyahe na kami pauwi, nagbihis agad kami at nagayos ng sarili. Galing pa kasi ng trabaho si Kuya.

"Saia Marie!!!" sigaw ni Kuya sa baba

"May Marie talaga dapat?? Eto na" sigaw ko pabalik

Nagperfume na ko tapos kinuha yung sling bag at naicheck yung cellphone, purse at mirror at lip balm.

I'm wearing a cocktail dress lang, yung casual.

Pagbaba ko, kinuha ko na yung regalo at kumaripas ng takbo sa labas. Nailock ko yung pinto at tumakbo sa may parking lot

==

"Mama! Daddy!" sigaw ko habang tumatakbo. Nasa labas pa kasi sila may upuan naman dun eh. Ganun talaga sina Mama, pag hindi pa kami kumpleto, hindi sila papasok

"Why took you so long Shaquil?" she asked

"Si Saia kasi eh" sabay tingin sakin ni kuya

"Ako talaga?" tanggi ko pa

"Saia?" tanong ni Daddy

"Eh kasi po eh ano"

"Sorry na po" sabay peace sign ko sa kanila. Napabuntong hininga na lang silang tatlo at ngumiti sakin

"You look so nice my dear" compliment sakin ni Mama

"Thanks Mama"at naikiss ko na sya sa cheeks at pumasok na kami sa reception hall

As usual, ang ganda dito. Bongga lahat. Dala ko yung gift ko at lilinga linga na hinahanap ang celebrant

"Si Tricia?" tanong ko kay mama at naupo na kami sa reserved table para samin

"TIta Elena" may bumati kay mama, paglingon ni Mama. Si Ate Janine pala nanay ni Tricia

"Janine" at nagbeso beso sila. Pati kami nina Kuya at Daddy nakipag besohan, sosyalin

"Ate Janine si Tricia po?" tanong ko sa kanya

"She will be here any minute" sabi pa nya

"Lalo ka gumaganda Saia ah?" compliment pa nya sakin

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon