CHAPTER 26:

76 0 0
                                    

Tumigil kami sa may gasolinahan sa tapat ng pinagtatayuan ng perya pag may fiesta dito samin. Nagtaka ako kung bakit lumabas sya at binuksan ang pinto ko.

"Get out" he said

"Ano? Sa pantok pa ko oi! Sa San Juan Subdivision pa dun pa oh" at nainguso ko pa yung direksyon

"I don't care, paliko na ko sa White Plane so get out" he toss my bag just to force me to get out of his stupid trash car. Letse malagyan nga to ng bomba minsan, tingnan ko kung pumasok ka pa dito. Whehehe

"Siraulo" nasabi ko na lang at lumabas. Pagkatabi ko, humarurot sya at dumeretso na paalis na parang walang kasama. Well, I'm not surprised na ganon sya ka cold dahil bukod sa ganun na sya ever since, ginawa ko pang dagdagan ang lamig nya nung tinanong ko kung mahal pa ba nya si Megan. Ah ewan!

Kainis! Walang tricycle! Karaniwan kasi may toda dito sa gasolinahan eh, bat ngaun wala? Siguro dahil uwinan narin ng mga high school o kung sino man.

Maya maya may tumigil na motor sa may malapit sakin.

Tiningnan ko lang then I look away.

beep beep!

Lumingon ulit ako, ang misteryosong si Shaider or Power Ranger na nakahelmet ay hindi parin umaalis.

beep beep!

Letse! Nakaharang bako? Eh nasa may kanto na nga ako nung mga halaman eh, ano ba sya 10-wheeler truck? Kelangan mag give way ng wagas?

beep beeeeeeeeeeeeeep!!!!!!

Anak ng tokwa! Nakakabwisit na to ah?

Sa sobrang inis ko, nilapitan ko na sya.

"Hoy Shaider, hindi porket pulis pangkalawakan ka na naka motor eh mag eeskandalo ka na ng ganyan. Alam mo bang bawal ang masyadong magbusina ng ganyan? Ano ka, kelangan may red carpet pag dadaan sa gasolinahan? O dapat magpakain na ko sa halamanan na to makadaan ka lang Badtrip ka na Kuya!" dire-deretso kong sabi sa kanya.

Hindi sya umusap, bad trip. Ano bang problema nitong abnormal na to?

"Take it easy"

"ano kamo? Kung mag uusap ka, tanggalin mo yang helmet mo. O baka gusto mo na tagpasin ko yang ulo mo!"

Tinanggal nya yung helmet at inayos ang buhok. As I look at him, I do recognize him.

"G...Gen?" tangi kong nasabi

Tumatawa sya habang inaayos ang buhok

"Sungit mo talaga girlfriend" sabi nya, bumaba sya sa motor nya at inayos ang v-neck blue t-shirt nya at yung motorcycle gloves nya on both hands.

"Don't call me girlfriend" at lumakad na ko papunta sa pwesto ko kanina

"Oh, ayaw mo ng libreng sakay?" lapit nya sakin

"San? Sa motor mong byaheng langit? Maglalakad na lang ako no" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya at busy sa kaliwa't kanan kong lingon para sa tricycle.

"Sus. Tarika na. Uugatan ka lang dito" sabi nya sabay hatak sa kamay ko

"Ayoko nga eh"

"Don't worry smooth ride lang naman ngayon. I just want you to relax"

"Relax? Bakit mukha na ba akong haggard?"

"Haggard" he giggled "Nah, more like of not in the mood. Take it easy girlfriend"

Hala? Alam nya ba yung nangyayari sakin ngayon? May psychic ability ba si Koya?

Natahimik ako sa mga sinabi nya, yet I admit he was right. I'm taking my problems SERIOUSLY na kala mo ikakamatay ko if I didn't handle it with care. Parang fragile lang na mababasag agad if I'm not aware or conscious.

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon