CHAPTER 83:

24 0 0
                                    


Thursday na pala? Ambilis naman. Napatingin ako sa mga posters na nakakabit sa may pader na nadadaanan sa hall way papasok. Posters for tomorrows' Legendary Party slash Valentines Party.

"SAIA MARIE DIMAGUILA. TANG INA TANGA KA BA? MANHID KA BA? HINDI MO BA MARAMDAMAN NA MAHAL NA KITA!!!!!!!!!!!!!!!"

And again, these words struck me straight through my heart. Argh!!! >_____<.

"Mahal kita Saia Marie at alam ko na hindi ka maniniwala sa ngayon"

Argh!! Iling iling iling!! Argh! Ano ba?!! Bat ang hirap tanggalin ng mukha nya sa isip ko idagdag mo pa yung sinabi nya sakin na mahal na nya ako???? Haaaa! Gusto ko sya sampalin ulit! Gusto ko sya sapakin! Gusto kong............gusto kong hindi maniwala sa sinasabi nya pero sobrang. Sobrang naapektuhan ang sirkulasyon ng buhay ko! Ng pagkatao ko! Idagdag mo pa na nangangainit ang katawan ko. Siguro dahil sa pagpapaulan ko kahapon kaya ganun tapos natuyo lang ako sa daan. Hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon. Sana naman hindi ako magkasakit ng tuluyan. Hay ano ba tong nangyayari sakin?

"Saia ok yun diba??" Ang sambit na narinig ko mula kay Phil habang naglalakad kami sa hallway, nagkita kasi kami kanina pero mula kanina hindi ko talaga naiintindihan ang mga sinasabi nya. Hindi ko marinig o makita ang reaksyon nya kapag may tinuturo syang kung ano.

"Dyosa ok ka lang? Kanina ka pa wala sa universe" He asked with concern. Tumango na lang ako para matapos ang pag uusap namin

"Hay nako naman may problema ka oh. Ang hagardo ng mukha ano ka ba? Anong nangyari kahapon? Nakauwi ka naman siguro ng maayos diba? One piece ka pa naman"

"Ok lang ako Phil thank you. Medyo masakit lang ang ulo ko" Pagdadahilan ko

"Bakit naman?"

"Kakareview siguro kagabi. May exam pa mamaya for midterms kaya naman nagpuyat ako" Pero ang totoo nyan, ni hindi ko nagalaw ang gamit ko kagabi at nakatitig lang ako sa may papel na nakafolder. Yung kontrata namin, inihanda ko kasi sya ng maaga para naman madala ko at hindi malimutan. Pero wala na akong nagawa buong magdamag dahil dun, kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. Isang malaking kalokohan ang mga naganap kahapon. Hindi ko alam kung paano ang magiging huling paguusap namin. Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin sa huling pagkakataon. Pano tatapusin ang kalokohan na hindi umabot sa dulo. Nakakainis!

"Sige na dito na ako ha? Goodluck sa exams" Matamlay na tugon ni Phil at agad lumakad pakanan patungo sa Building nila. Nakita ko sa mata nya ang pagdududa sa mga nabanggit ko kanina. Alam nya siguro na nagsisinungaling ako.

"Hey!" Isang tapik mula sa likod ang nagpabalik sakin na masasagsa na pala ako ng isang bike na daraan. Nasa may gitna na pala ako naglalakad at nakatingin narin yung ibang estudyante sakin.

"Goodmorning girlfriend!" Sabay hatak nya sa braso ko at itinabi ako "Pasensya na Tol!" Sigaw pa nya sa nagbabike at dumeretso na lang sya. Tumingin ako sa kanya at napansin ko na nakatitig sya sakin na may halong pag aalala

"Ang init ng arm mo" Tapos nilagay nya yung isang palad nya sa noo ko at yung isa pa sa noo nya. "Are you sick??" tanong nya at nakatingin lang ako sa kanya sabay iling

"Ok lang ako Gen" Inalis nya yung palad nya at inobserbahan ang mukha ko well, which makes me uncomfortable. "B....bakit?"

"You look terrible"

"Don't rub it in, alam ko na yun the moment na tumingin ako sa salamin thank you" At lumakad na ako. Argh! Ansakit ng ulo ko sobra

"Bat hindi ka nalang umabsent? You can retake an exam magpahinga ka muna"

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon