CHAPTER 29:

86 0 0
                                    

At ngayon andito nanaman kami sa may Bombongan. Bumaba kami pareho at naupo ako sa may bench. I use my mirror to check kung may galos ako sa mukha. I also checked my arms at nakita ko na may galos ako sa kanang bahagi ng braso ko. Inayos ko muna ang sarili ko. While fixing myself up (literally haha) I noticed Ichi na may bote ng alcohol.

Halos ibuhos nya sa kamay nya yung quarter part ng alcohol at pinunasang maiigi ang kamay. And I do feel kind of annoyed dun sa ginawa nya. He hold my hand a bunch of times, so I was thinking if he's doing it intentionally.

"Care to try to drink that alcohol?" sabi ko

He looked at me with a sharp stare

"Ganyan ka ba magpasalamat?"

Natahimik ako. Oo nga no? Why did I treat him sarcastically when I do have to thank him. I feel kind of bad now, parang ang bad ko hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

"Sorry."

"at???" nag aabang pa sya. Tang gala naman oh

"At........" bakit hindi ko masabi sa kanya yung salitang yun? Dahil ba hindi sya deserving na sabihan nun?

"At ano?"

"At.............thank you" pabulong kong banggit

"Ano?"

"Letse narinig mo naman di ba?"

"Hindi eh, ano nga ulit yun?" lumapit sya sakin ng konti

"Sabi ko" and I mouthed the words 'thank you'

Taas kilay syang nagtaka

"Huh? Niloloko mo ba ko?"

"Hindi sinabi ko na nga diba"

"Wala akong narinig"

"Yun na yun"

"Yan dyan ka magaling, kaw na nga ang niligtas ko tapos ganyan ang iaasal mo" umiling iling sya sa pagkadismaya

Oh, Lord nagpapasalamat naman po ako sa ginawa nya eh pero bakit hindi ko masabi sa kanya? Parang napapaso ang dila ko sa salitang thank you pag sya yung sasabihan ko

"I'm waiting, I'm waiting, I'm waiting" kanta nya pa. Natawa ako kasi yung Waiting outside the lines yung kinakanta nya. Infareness may the voice of the Philippines si Koya

"Quit it! It's annoying"

"What? No it is not!"

"Ganda kaya ng boses ko" Dugtong pa nya

"Waiting outside the lines!!" pasigaw nyang pagkanta, natawa ako

"Oh sya sige" Tumayo ako at humarap sa kanya

"Thank you po" mahinhin kong banggit na mula sa kaibuturan ng aking puso't kaluluwa.

Natahimik sya at ngumisi.

Tumayo sya at nag inat

"Hay salamat natapos rin!!!"

Huh? Natapos ang alin?

"Natapos?"

"Edi ang acting" sabi nya at nagpamulsa.

"Ano?"

"Acting. Tapos na salamat naman, Oh nai-paraphrase ko na masaya ka na?"

WHAT THE WHAT? What did he say? Ac.......ACTING??? 0__0!!

HuH? Huwat? Ano? Teka lang.

"I know, I know. It takes too long to process. Don't worry I can wait" sabi nya at naupo sa bench.

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon