CHAPTER 81:

22 0 0
                                    




"Don't worry it's just me. Ichi" Agad lumuwag ang paghinga ko at nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sigurado naman ako na sya yun. Sa boses at scent ng pabango nya alam kong sya yun. At nung naramdaman na nya siguro na hindi ako sisigaw eh tinulak na nya ako at muntik na ako matalisod.

"Ano bang—-"

"Wag ka ngang maingay!"

'Ako pa???' as I mouthed it at nakataas ang kilay ko.

 Huminga muna ako muli ng malalim at tumingin sa kanya "Anong ginagawa mo dito?" Mahina kong tanong sa kanya

Nakatingin lang sya sakin at ilang segundo pa siguro kaming nagtitigan bago nya marealize na nag aantay ako ng sagot. Kumilos sya at naalarma ako, tinaas ko yung tambo na parang samurai sa harap nya at pormang susugod. Napatigil sya sa pag alis ng kung ano sa may balikat nya at napataas ang kilay. "Anong ginagawa mo? Para kang tanga" sabi nya

"Anong gagawin mo? Rereypin mo ko?? Palibhasa ako lang nandito??"

"Huh? Ikaw lang?" Medyo lumakas ang boses nya sa bigla at tumango lang ako

"Bat ikaw lang? Sana kanina mo pa sinabi para naman hindi tayo nagbubulungan ng——-"


"Saia?"

"Ano Isaiah ok lang ako"

"Anong ginagawa mo dyan sa wooden swing? May nakita ka bang kahina-hinala?"

"Hm?" Taas kilay kong tanong at umiling agad sa kanya na pinagtaka nya

"Ganun ba? Oh edi tarika na malamig na dyan at tsaka baka umambon na oh"

"Ano sige ok lang ako susunod na ako"

"Sigurado ka? Nasan yung dala mo kanina?"

"Ha? Ahm ano andyan lang yun nag nanight walk hahaha tama ba yun? Oo basta papasok na ako"

"Sure?"

"Yup!" Lumakad narin sya pabalik sa loob

"Hoy wala na sya" bulong ko sa may halamanan at agad tumayo ang nakadapang si Ichi. Tumalun-talon sya sa hindi ko malamang dahilan

"Anong ginagawa mo?" tanong ko na nakahalukipkip ang mga braso na tumayo

"Ang langgam shit!!" 

"Wag ka ngang maingay!" 

"Hahahaha" mahina kong tawa habang nagpapagpag sya ng buong katawan.

"Kakasabi mo lang na ikaw lang dito? Anong ginagawa nya dito??" Irita nyang tanong. Siguro naiinis parin sya sa mga langgam kaya ganun

"Eh wala eh, ganun talaga" pagyayabang ko. Hahahaha 

"Ano nga?" Demand nya

"Ewan ko! Ang weird nya, sabi nya may hindi daw sya maintindihan na equation at sabi nya papaturo sya so pumayag ako pero makinita ko ok naman"

"Oh bat di mo pa pauwiin? Ako kaya magpauwi dyan—-"

"Gago ka talaga! Bat ikaw? Baka mas maalarma pa yun at magpatawag ng security?"

"Tss!"

"At tsaka alam mo parang may problema sya"

"Problema? Hm! Sarili pa lang nya alam ko ng problema na nya yun, masyado kasi syang weird"

"Shut up!"

"Oh bakit? At tsaka anong problema? Ako ba? Wow ha? Ganun ba nya ako pinoproblema."

"Wag kang feeling pwede? Hindi ikaw yun! Tingin ko.....sa relasyon nila" At tumingin ako sa kanya. Nakita ko na walang nabago sa reaksyon nya. Sa totoo lang kasi yung inaasahan kong reaksyon nya eh yung tipong 'mag bebreak na sila! Syet excited na ko' or something like that pero blank lang yung expression nya. Ganun ba sya maexcite?

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon