CHAPTER 85:

26 2 0
                                    


Blue rose?????

Mr......Mr. Blue Rose??????? Laking pagtataka ko sa isip ko. Si Mr. Knight in Shining (*insert may kasunod pa promise)

Siguro naramdaman na nya na hindi ako sisigaw o kung ano kaya naman pinakawalan na nya ako at agad akong umatras sabay harap sa kanya

Nakita ko na sya! Ang kemeng suitor ko! Si Mr. Knight! Nakatuxedo sya, may blue rose sa bulsa ng tuxedo at may maskara sya na kulay blue yata ewan ko. Pero maganda yung design ng mask ha? Infairness.

"Mr........."

"Oo" ang gara naman ng boses nya. Pang metal rock na vocalist. Yun bang nag ra roar sa mga kanta na pang rakista. Oo parang ganun.

"Ha? Rakista ka ba?"

"Ha? Ah......oo" sabi nya at lumapit sya. Yumuko at binigay yung rose

"Ah....para sakin"

He just nod. Hindi ko kasi kita yung smile nya kasi whole face size yung size ng mask. Feeling ko tuloy si Jason sya ng friday the 13th na movie. Tuxedo version. Hahaha Pero mukha naman syang mabait.

"Ahm salamat" sabi ko pa. At tinanggap ko narin yung rose at inamoy. Yiy! Sino kaya to? Hmmm. Mataas sya, yun lang. Eh hindi ko kita eh bakit ba? Tsaka ambango bango nya, mild lang yung amoy nya. Actually yung scent ng pabango nya eh yung Lewis and Pearl na Ice Water. Waaah favorite ko yun sa Lewis and Pearl Colognes! Yun ang pabango ko nung elementary eh.

"Happy....ehem ehem" Sabay ubo nya. Feeling ko hindi naman talaga sya rock star. Baka paos lang. "Valentines day sayo" sabi nya pa

"S....salamat. Sayo din. Kung sino ka man" at inamoy ko ulit yung rose. Pampalubag loob lang ba toh?

He just bow his head and stand afterwards.

"Can I have this dance?" sabi nya na garalgal parin ang boses.

"Eh wala namang tugtog ah?"

Tapos lumapit sya. Hala!! An...anong gagawin nya???

>////< Hala! Tinanggal nya yung robe ko!!! Waaah! Rereypin nya ba ako? Ang sweet naman ng rapist na toh! Magbibigay muna ng bulaklak tapos tsaka ako huhubaran? Ay potek!

Huh???

"Yan, mas maganda. Kita yung dress mo" sabi nya

And I was like. Ah........................... (-_______-)

"Ahm ano....." Ano nga ba??

"Ok lang ba? Mas bagay kasi sayo yang ganyan pero kung nilalamig ka, you can use my tuxedo"

"Ah ano sige hindi na, chokey lang!" sabi ko pa pero ang totoo parang any minute babalik yung sakit ko! Naku pag ako nabinat ng bongga sya talaga ituturo kong salarin. Eh teka pano? Nih hindi ko nga kita yung mukha nya.

Tapos nainavigate nya yung phone nya na kulay blue din yung case. Oh hindi ba, ayaw nya ng blue! Hahaha pero infairness ha, ang ganda lang ng print. Blue shield kasi sya eh tas may golden yellow lining keme tas sa tuktok nung shield may pakpak. San ko ba nakita tong symbol na toh?

Isip. Isip. Isip

(-____-).......

(OoO)! Aha! Kay Romeo Montague sa Anime Version ng Romeo and Juliet. Oo dun nga yan kasi yung symbol ng Montague sa anime version nun! Ang galing, mahilig din ba sya sa anime?

Tapos maya maya tumugtog na yung song and reach for my hand. He made me hold his right shoulder and then left hand. Tapos sya naman hawak nya yung left waist ko at right hand ko.

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon