Pagpasok ko ng room andun lang yung iba kong kaklase.
"Oh Saia mag isa ka ata?" tanong ni Jess sakin. She's wearing a dress at naka head band. Pwede na kasi mag civilian ngayon since clearance day na lang naman. Luminga linga ako sa buong room at walang nakitang anino nina Isaiah at Simon
"Have you seen Isaiah at Simon?" tanong ko
"Yeah, actually magkakasama kami kanina nung pinapapirmahan yung clearance natin sa Student Council at Cashier. Here oh" sabay abot nya sakin ng clearance ko. Onti na lang pala to, library na lang. Yung mga subjects kasi ok na. Then makukuha narin namin agad ang grades at assestment form pero hindi pa naman agad mag eenroll.
"Thank you, gora na ko ha?" pagpapaalam ko sa kanila
"Ok ingat"
At kumaripas na ko ng takbo para hanapin sila. Mahaba habang paliwanagan to.
Pumunta na ako ng gazeebo, bench, creek, hall ways, function hall, computer lab, library lastly sa cafeteria. Pero wala sila.
Nasan na kayo? Nasan na?
"Dyosa..." someone whispers on my ear. Paglingon ko, si Phil pala
"Ui!!" tangi kong nasambit habang lumilinga linga parin
"Musta?" tanong nya
"Ha..."
"Anong ha? Ngayon lang ako nakarinig ng ganung sagot sa tanong na musta"
Napakamot ako sa ulo at still lilinga linga parin sa paligid
"Hoy!!"
Napatalon ako sa gulat at nabitiwan ko yung kasalukuyan kong hawak na clearance ko. At dahil medyo mahangin eh hinangin agad.
"Hala!!" sabay takbo ko para habulin yung clearance ko, syet library na lang ang kulang eh tas sa adviser, dean at registrar na lang eh. Syet
Hindi tumigil yung letseng clearance na patangay sa hangin at muntik ng malaglag sa creek kung hindi dumikit sa likod ng matangkad na lalaki na kasalukuyang nasa mini bridge na nag kokonekta sa oval at parking lot. At dahil nakatalikod sya hindi nya pansin kaya dahan dahan kong kukunin sa likod nya nang biglang kinapa nya at kinuha mula sa likod nya. Maya maya humarap nya sakin.
"Oh Liit ang aga mo naman mag court sakin"
Tsk tsk tsk, si Kapre nanaman!!!
I look at him uninterestedly at kumura
"Akina"
"Ang alin" he asked in confusion
"Yang hawak mo"
Tumingin sya sa papel na hawak nya at dahil mayabang sya naka shades sya. Oo nayayabangan ako sa mga lalaking naka shades kahit hindi naman akma sa panahon. Ang kulimlim ngayon eh bat sya naka shades, letseng yabang talaga. Tinanggal nya yung shades at tiningnan
"Clearance mo pala toh"
"Hinde baka sayo" sagot ko
"Akina na nga lang yan ng makaalis na rito"
Ibibigay na nya sana nung bigla nyang tinaas yung kamay nya.
"Baka naman ginawa mo lang tong dahilan para makalapit sakin. Talagang ganun mo ko kagusto no?"
"Gago hindi noh! Now give me that ng ako'y natatapos na"
"Matatapos ka na? Wow sipag ah?" at tiningnan nyang muli ang clearance ko
"Akina yan!!"
At habang nag aagawan kami sa may creek, napansin ko na lang yung mga nag bubulungan na mga istambay na estudyante sa may bench sa side ng creek. Nakatingin sila saming dalawa. Bakit mukha ba kaming tanga, at nang aking maalala 'ah si Ichi Rodriguez nga pala to'
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"