CHAPTER 75:

32 0 0
                                    

"Ayoko nga eh. What part of NO didn't you understand ha?" hatak hatak ako nung mga lalaki na taga student council. Pano nila nalaman na isa ako sa nakakuha? Ay syet may buwan malamang kikinang to tapos may ilaw pa sa paligid at halos nakatapat lang naman talaga ang pwesto ko sa may stage sa quadrangle. Tsk! Bat naman kasi parang dyamante tong isang to! Yari na ko!! Waaah!!

"Sige na po Ms. Saia" malapit na kami sa may stage. Hatak hatak nila yung braso ko tapos halos maangat na yung paa ko kasi ang taas naman nila masyado.

"Wow diba sya yung girlfriend ni Ichi?"

"Ay oo sya nga"

"Wow ang swerte naman!"

Waaaah! Help me! Para akong ewan kasi nakataas yung paa ko na walang sapatos.

"Bakit anlibag ng paa nya?"

"Grabe effort talaga ha? Nag paa pa sya para lang mauna sa pagkuha ng legendary stone"

Syet kung alam nyo lang ang lahat.

"Let's welcome again. Saia Dimaguila" Nasa harapan na ako ng stage at wala akong nagawa kundi ang tumayo doon. Kitang kita ko ang buong quadrangle at medyo nakakahiya na talaga sya. Syet! Kanina ko pa sinasabi to, nakakasyet naman kasi talaga eh.

Ininterview na nila ako at kung anu-anong tinanong sakin. Hinahanap ko yung nag walk out na si Kapre at baka kumakain lang yun sa may bench. Pero wala sya. Nasan naman kaya yun??

"Here's Megan Castillo for the second stone!" naghiyawan lahat dahil sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya pero nakangiti parin sya

"Megan?" 

"Saia?"

"Anong-----nakuha mo yung isa??" tanong ko

"Ha?? Ah....ano....."

"Nice!! Akala ko lalaki yung nakakuha eh"

"Ah ano kasi"

"Ms. Megan, we didn't expect na makikijoin ka dito" biglang singit nung MC tas binatak na sya para naman mainterview na.

Ako? Teka lang ano bang nangyayari?

Sinabi nila na kelangan naming itago ang legendary stone hanggang Valentines Party. Sa gabing yun lang namin ito pwedeng ibigay sa mga taong mahal namin. Since si Megan yung isa, kelangan ko na ba na magtapat talaga sa kanya? Papayag kaya si Ichi? Eto na yun! Eto na yung sign ni Lord!!

"Congratulations sa ating nag gagandahan at masuswerteng dilag na nakakuha ng bato. Sana pagpalain kayo ni Lord at ng Legendary Stone sa pagbibigay nyan sa taong mahal nyo."

"WooooH!! Galing!"

"Kay Ichi na yan!"

"Tama!!"

"Kaso dalawa sila eh, kaninong stone kaya ang kukunin ni Ichi?"

"Kay Megan o kay Saia?"

Syet issue nanaman! At tsaka hindi ba nila alam na may jowaers si Megan! Naleleft si Isaiah ano ba kayo!

"Saia!" sigaw ng isang babae na malapit sa stage tapos napalingon ako. "I'll go for you. Mahal mo si Ichi at ganun din sya ngayon sayo kaya alam ko sayo yung tatanggapin nya". Nakita ko na parang tumatango yung mga tao.

"Oo nga no?"

"No! I'll go for you!!"

"Tama! Sya talaga ang first. First love never ever dies!!" sigaw nung isang babae

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon