"Oh" bigay ni Simon nung yelo "baka magkabukol ka pa eh"
Kinuha ko yung yelo at dahan dahang idinampi sa noo ko. >.< Ansakiiiiit
Pero.........parang mas masakit pa yung pag alis ni Isaiah kanina eh ewan ko ba!
Kanina pa kami nag aantay ni Simon dito sa bench na to parin 5:30 na ata eh palubog na ang araw, wala parin si Isaiah at Megan.
Tumayo ako na kumuha ng atensyon ni Simon
"Hahanapin ko sila" seryoso kong sambit sa kanya
"Ha? Teka lang..." pigili nya pa sakin "Ako lang matitira rito eh" dugtong pa nya
"Bakit takot ka ba?"
"Hindi naman sa ganun baka lang naman kasi mag kasalisi pa kayo eh. Maghapon pa tayong maghanapan" pagpapaliwanag nya
Nung akma na sana akong aalis bigla silang dumating. Nagtatawanan na
"San pa ba kayo galing?" bungad ko sa kanila
"Sorry ha?" Megan is the one who speak for both of them
"Pinag alala ko pa kayo" sabi nya samin at bakas pa yung luha sa mata nya
"Ok ka na ba?" tanong ko pa
"Oo! Thanks for asking" sabay ngiti nya tapos inakbayan nya si Isaiah
"And thanks to this joker na may pagka korni pa"
"Pero natawa ka naman eh di ba?" sabi ni Isaiah
"Oy hindi ha?" sabay tawa nya
"Hindi ka dyan" tapos sinundot nya yung tagiliran ni Megan, napaiwas si Megan at tumawa tapos tumakbo. Para silang bata, mantalang ako? Eto tulalei teka lang WHAT JUST HAPPENED?
"Ehem ehem" Simon made a noise. Nice one Simon!
"Siguro naman makakauwi na tayo diba?" sabi nya at tumayo sabay sukbit ng bag
"Oo naman Simon!" siglang sagot ni Megan
"Gutom na kasi yan kaya ganyan" bulong ni Isaiah at tumawa si Megan
"Gutom na? sige libre ko kayo" masigla nyang hayag at kinuha na din nya yung bag at box
"Ako na sa box" sabi ni Isaiah at pilit na kinuha yung box
"Ako na"
"Hindi ako na" at tuluyan na silang nag agawan habang tumatawa. Hindi ko alam kung bakit pero......
"Saia!" pang gugulat ni Simon sakin
"HA?" tanong ko, okay back to reality na ineng, napaghahalata ka na naglalakbay nanaman
"Sabi ko tara na! Dyan ka na ba titira?" tanong sakin sabay lakad. Sinukbit ko na rin ang bag ko at tumakbo para habulin sila.
Nauuna paglalakad si Megan at Isaiah habang ako at si Simon eh nasa likod nila. Sound trip lang tong kasabay ko, walang kwenta feeling ko tuloy mag isa ako tapos yung dalawa dun sa unahan ang sweet. ARGH! Nakakainis lang! nakakasakit ng damdamin. Parang ansaya saya nila tapos silang dalawa lang ang naglalakad. O sige kayo na!
Mamalayan ko na lang sa Jollibee na pala kami, walking distance lang naman ang Jollibee dito pati narin yung iba pang Fast food chain at yung Supermarket halos katapat lang tapos yung Mcdo ilang tumbling rin pakanan mula dito sa Jollibee.
"Anong order nyo?" tanong ni Megan na binaba ang bag
"Ako? Yung C1" siglang sambit ni Simon
"Mahiya ka naman bui! C1 pa pinaorder mo, mahal kaya nun kakahiya ka" pagkonsensya ko sa kanya. At bigla syang sumimangot at natawa kaming tatlo
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"