First day ng klase! College na ko! Syang tunay!
Ay! Ako nga pala si Saia Marie Enriquez-Dimaguila a fresh na fresh college student of Rizal State College here in Rizal obviously hahaha. Im taking up Civil Engineering course. Lakas ko maka engineering no? Well, bet ko talaga mga landscapes thing and everything full support naman ang parents kaya go na! Mahusay naman ako sa mga math math na yan tsaka nag dodrawing narin ako sa mga plates kaya mulat nako sa ganyan. Architect din kasi si Daddy kaya talagang masasabi ko na I’m following his steps naren. Mabalik tayo, hindi lang naman yon ang dahilan kung bakit ako nag engineering eh, well may hidden reasons din talaga ako. haha kasi pwede rin naman ako mag architect sa college na yun eh. Alam nyo kung bakit? Syempre hindi! Dahil kay Isaiah (Ay-sa-yah-) Paralejas. He’s the one haha echosera. Actually inalok nya rin ako mag civil engineering nalang kaya naman GO na ko! haha wala daw syang kasama eh. I am madly inlove with him. Nakakahiya, talagang pinagsigawan ko sa inyo, well, mga reader’s naman kayo kaya no biggie, hindi naman nya malalaman sa storya kasi hindi pa sya nag eexist. Well, so much for kadaldalan na!
*text message
From: Isaiah
ui saia, goodmorning goodluck sa first day natin ha? Galingan natin pag-aaral ha? Nga pala ok lang ba kung kaunin na kita jan? Para sabay na tau ha? Ingat
*end of text
Antaray ko! Ganda lang! haha nga pala, magkaklase kasi kami ni Isaiah since first year high school kaya we really know each other well. He’s smart, may kaya, popular tapos ang gwapo pa nya. Kita nyo? Kita nyo? yung pangalan ko at pangalan nya halos magkatulad! Nasa loob ng pangalan nya yung pangalan ko >.< IsaiaH oh db? We really meant for each other!! I am just waiting for him to realize that. Nako maka day dream naman ako.
Teka ano nga palang oras pasok?? Nako ulyanin leng? Nebeyen… Tiningnan ko sa may study table ko at nakita ko na 9:00 AM ang pasok! at anong oras na?? 8:30 mga friend!! RUSH MODE ACTIVATE! ligo nako tapos nag bihis, ok lang na civilian pa, wala pa naman yung uniform.
Narinig ko nalang si Kuya sumisigaw sa may pinto ng kwarto ko
“Saia! May bisita ka!” sigaw ni Kuya Shaquil, wala atang pasok ngayon ah? Mechanical Engineer naman yun. Puro engineer no? hahaha
“Sino daw??!!”
“Si Isaiah mo!!”
“Bwisit ka kuya! makalabas lang ako dito maya-mayang konti lagot ka sakin!!’
“Dalian mo na nga! Mahiya ka naman kasi may taga kaon ka pa!”
“Eh ano? Sabi nya eh, tsaka mag kaklase kami nu!”
“Sus! Eh natuwa ka naman?”
“UMALIS KA NA NGA!!” hay nako masisira lang talaga ang ulo mo pag kausap mo yun.
Maya-maya lumabas nako at dala yung bag ko. Pagbaba ko ng hagdan nag aantay sya sa may sofa.
“Ah..ano Isaiah sorry kanina ka pa ata”
“Hindi ok lang, o ready kanaba?”
“Oo naman!”
Umalis na kami. Actually pa jeep ang byahe para ipasok sa loob ng street ng school. Looban pa kasi yun eh
“Oi Saiah, sabi ni Daddy hatid daw kita” habol ni Kuya samin
“Wag na nu, ok na kami”
“Ay sus.”
“Bumalik ka na nga”
Naglakad lang kami ni Isaiah palabas ng subdivision namin. Nakarating narin kami sa may abangan ng jeep at dun nagantay. Oh diba ang bahay subdivision pero mag jijeep? Ayos rin! Hindi naman. Wala naman kasing discrimination na nagaganap sa kung hindi ka nakatira sa subdivision o nakatira. Puros simple lang ang mga tao dito. Kesho may kaya o simple lang. May sometimes lang talaga yung iba, yung mga impokritang mga dalaga na kung makapagdala ng kotse kala mo kanila. Hindi pa nga mga lisenced drivers. Sa ganto rin namin gusto matuto magbyahe eh. Pano nung high school pa school bus naman. So this time papaka mature na kami by riding public vehicles.
Naghahum lang ako habang nag aantay.
“Ready ka na ba Saiah?” tanong ni Isaiah sakin pero di sakin nakatingin
“Haha, kanina mo pa kaya yan tinatanong, ninenerbyos ka no?”
“hindi no! excited lang! biruin mo college na tayo” at tumingin sya sakin ng nakangiti. Haaaay…ang cute nya grabe super smiling face sya tapos ang aliwalas ng mukha nya.
Maputi, matangkad. Ang ganda ng medyo wide brown eyes nya na kitang kita dahil maputi nga sya. Ang ganda ng ngipin nya kala mo niruler at may dimples sya sa may right cheeks nya. Has a pointed nose. Kala mo tong lalaking to, model na lumayas lang sa kung saang agency at biglang naisipang magaral eh. He has a thick eyebrows and long eyelashes. His lips was on its kissable na medyo pink kala mo nag lilip balm. Basta ang gwapo gwapo nya. Para akong tanga pag tumitingin sa kanya, it feels like first time eveytime. Oh diba. Konting kembot nalang redundant na yung sinasabi ko. Hahaha
Feeling ko namula ako >.<
"Baka naman pag nakakilala ka ng ibang kaibigan eh kalimutan mo ako bigla ha?"
"ano ka ba ako pa ba??" Ako pa ba kakalimutan ka, eh bet na bet kita eh. Hindi kita nakakalimutan, 24/7 ka kaya sa puso ko......BOOOM!! Ang bangis mo Boy Pick up! Hahaha buti napipiit ko pa yung bibig ko
"Talaga? Eh pano pag nag boy friend ka nyan? Baka naman kalimutan mo na ko."
"Naku naman Isaiah ang drama mo." Hindi nga kita kakalimutan at ikaw ang gusto ko maging jowa noh!
"Hehehe basta, poprotektahan kita sa kahit na sinong lalaki na mangangahas na manligaw sayo huh!"
"Wow naman, may bayad ba yang service mo?" biro ko sa kanya
"Wala no. Libre ka lagi my lady"
"Hahahaha baliw"
Pero ang totoo sasabog na ko sa kilig, onti na lang. Onti na lang mag hahappy dance na ko. Ano yung happy dance ko? At basta tska ko na sasabihin at eto na ang jeep.
Saktong dating ng jeep.
Habang paakyat kami, ang tangang prinsesa natisod pa. Antaas kasi ng hakbangan eh buti nakapitan ako agad ni Isaiah kaya inalalayan nya ko paakyat.
Ang gentleman nya, pinauna nya ako at inalalayan pag sakay. “Oh ingat, baka makatapak ka” sabi pa nya.
At nag byahe na kami sampu ng mga kapwa estudyante. Magkalapit kami at yung braso nya nasa may bakal, nakahalang sa may likod ko, para nyang kong sinesecure >.< waaaah!!! ang arte much? Hindi para lang kasing jowa mode eeh . So, yun na, after 15 minutes ng pagbabyahe eh nakarating na kami ng school.
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"