RIZAL STATE COLLEGE
Pag first day talaga, paru’t parito ang mga estudyante. May mangilan-ngilan pa na wagas magbatian at mag akapan. Airport lang? Matagal di nagkita? Haha nako instead na sitahin ko yung mga ganun eh lumakad nalang ako with my Isaiah papunta ng room.
“Ahmmm.san room naten?” tanong ko
“Sa Room CE 022, nakalagay dun sa sched eh”
“Ah ganun?”
“Sigurado ako pag kakuha mo ng sched tinabi mo na agad no?”
“Ah………hehehe ^^” kabisado na nya ko talaga
“Kaw talaga….” tinapik tapik nya yung ulo ko. Nakakatuwa sya talaga. Nga pala, masakit man kasing sabhin pero totoo, medyo di ako biniyayaan ng height, isa sa mga insecurities ko sa buhay. Pero di na bale atleast may Isaiah naman ah este atleast blessed naman ako sa ibang bagay.
“3rd floor yun di ba?”
“Ah.. oo”
Pagdating namin sa lobby, andaming tao. Syang tunay! Puro clubs ata yun, at naiwelcome ang mga freshmen students at inaalok na sumali sa mga club nila. Andaming club, Art Club, Music Club, Choir Club, Sports Club, DanceTroupe at iba pa.
Naharang kaming pasaglit at halos lunurin sa mga fliers na binibigay ng mga club members. Para kaming nakikipagpatintero nun at sinikap talagang makaalis sa lugar na yun. dumeretso narin kami sa 3rd floor at nag lalakad sa hallway habang naktingin sa may taas na bahagi ng mga rooms para tingnan kung yun na yung room namin.
“Eto na ang room” at binatak nako ni Isaiah
ROOM CE 022
Pagpasok namin, mejo akward, nakatingin kasi halos lahat ng nasa loob samin. Humanap kami ng pwesto at umupo at since kami lang ang mag kakilala eh naglapit na muna kami.
Umupo na kami, sa may gitna na part na kami nakakuha ng pwesto, sa right side. Tapos may biglang lumapit samin na lalaki
“Hi!!” masiglang bati nya sabay batak sa upuan na nasa harap ni Isaiah at naupo.
“Sang school kayo?” tanong nya
“Sa St. Jude High” sagot ni Isaiah
“Ah…dun sa Cardona? Oo alam ko yun!”
“Ah..oo dun nga”
“Ah nga pala ako si Simon say-mon ha? hindi simon!” at nakipag shake hands sya kay Isaiah.
“Ah…ako si Isaiah, nice to meet you”
“Ikaw? AH college ka na ba?” biglang lingon nya sakin. Well as you can see I’m here in this room!! Kung di ako college anong pang ginagawa ko dito? Saling ketket? Pero naginit ang dugo ko sa tanong nya ha? Nangaasar ata sya eh.
“Obvious ba?” pabalang kong sagot
“Naku, sorry sa tanong ko ha? Naoffend ba kita?”
Well duh? Ano ba sa tingin mo?
“Ay hinde!!!! Natuwa nga ako eh, sa sobrang tuwa ko parang gusto ko manuntok!” ngiti kong sagot sa kanya. At parang bigla syang nabahala.
“Sorry talaga, ahm…ako si…si Simon San Juan”
“Oo, narinig kita kanina, ako si nga pala si Saia.”
“Wow! Halos pareho pangalan nyo no? Galing!” I KNOW RIGHT X> medyo natuwa ako dun ah? Kaya humupa agad yung inis ko sa kanya
“Ah..oo nga eh”
“Mag jowa ba kayo?” 0_0 sana !! SANA!!!!! waaaah >____<
“Hindi nu! Magkaklase lang kami nung high school” sabi ko pa na labas sa ilong :D
“Ah ganun? Alam mo Saia para kang high school. Kinulang ka sa height nu? Ano bang height mo?” here he goes again. NAPAKA PRANKA nya >.< nabubwisit nako
“Alam mo Simon, yang kaprangkahan mo ang papatay sayo alam mo ba yun? So you better watch your tounge!”
“Ay naku…sorry”
“Tigilan nyo na nga yan” pag awat samin ni Isaiah
Umalis na si Simon. “Mamaya nalang ha? Parito na daw ang Prof. natin eh”
As usual pakilala mo your face and everything in front of your newly faced classmates na makakasama mo for 5 years.
Hatest part ko yun promise. Kahit hindi ako mahiyain eh may sometimes naman na ganun ako no. HAHAHA ano daw?
tumayo si Isaiah at pumunta sa front para iintroduce ang sarili
“Hello, I‘m Isaiah Paralejas from St. Jude High at Cardona nice meeting you all” at nag smile sya sa lahat. Haaaaay ang gwapo nya talaga. Medyo may mga giggles sa may bandang harapan. Narinig ko, mga girls yun. Nakuuuuu! Pektus kayo, wag nyo agawin si Isaiah ko >.<
Pumalakpak na sila lahat at lumakad na pabalik si Isaiah. Tinapik nya ko tas tumayo nako
pag dating ko sa front,
HASHTAG medyo nerbyos >.<
Nakatingin sila sakin. Anong pag iintroduce ang gagawin ko?
“Uhm…..hello”
Nubeyen. La ma say?
“I’m Saia Marie Dimaguila from St. Jude High.” tas nag bow ako at..
dugs!!!
Aray >.< nauntog ang ulo ko sa may mesa
tumawa silang lahat tas may palakpak pa
0___0!!! NAKAKAHIYA
bumalik ako sa upuan ko na nakayuko, habang sila sinusundan ako ng tingin
nakayuko parin ako. First day may eksena agad ako?
“Ok ka lang ba Saia?” tanung ni Isaiah.
Tumingin ako sa kanya tas tumango. “Ok lang” sabay pispis ng noo ko .
tapos pinispis nya din at ngumiti
“kaw talaga” tas tumawa sya
Aw……kahit humalakhak kapa Isaiah. GWAPO MO!!
ngumiti na lang ako
Pero nakakahiya talaga. Bat ba ganto ako kacareless whisper? Hehehe kahit ganto atleast my Isaiah naman ako kayo? Walei!! HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"