"Grabe…. Ang hirap naman ng Trigo!!" angal ni Simon habang nag iinat. Nakalabas na kami ng room namin at gaya ng nabanggit ni Simon eh nag exam kami sa Trigo at patungo kami ngayon sa Cafeteria
"Angal ka? Nag Civil ka eh, tiis ka jan!" pagtataray ko dito habang natatawa pang sabi ko
"Mukhang mapapalaban ka ng kain Simon ah?" pabirong tanong ni Isaiah
"Oo nga eh, naubos lahat ng energy ko! May P.E pa mamaya NAKAKATMARRRR!" patuloy nyang inat pa.
"Ikaw na mahaba ang braso! Pag nakasangga ka dahil dyan sa exage mong pag iinat sige ka!" tugon ko sa kanya
Naupo na kami sa bakanteng pwesto at nailagay ang bag tapos kumuha ng pera at iniabot kay Isaiah. Taga bili ko kasi sya ng pagkain eh haha minsan pag no choice kundi magbantay ng pwesto syempre para di maagawan
Lilingon lingon lang ako, nag hahanap ng boylet haha chos! Naku baka magalit si Isaiah nyan eh. Hahaha Asyumera Queen talaga eh nu? Syempre dahil babae ka at estudyante pa, wag kang tatanggi na hindi mo to ginagawa no! Ano ka babaeng pinagpala sa babaeng lahat? Madre lang ang peg?
Ayun may kumpulan nanaman ng langgam ah este girls sa may pwesto ni Mang Alex, yung nagtitinda ng da best mango shake dito sa school!
At nung parang gate na nagbukas ang daan para sa lalaking pinapaligiran, nagningning ang mata ko habang iniisip kung sino kaya yun? Makikiupo kaya sya dito? At nung malapit na…….AY? -________-
"Hoy!" sambit nya sakin
Yup, ang singkit na kapre and so called chinito heartthrob ng school na to. Yuck lang po…. Kung iniisip nyo na ang pagtawag sa kanya ng heartthrob ay rated SPG. Sige lang hindi ko kayo pipigilan, susuportahan ko pa kayo sa propaganda nyo na bawal ang ganun. whahahaha
"Ichi dito ka na lang sa pwesto namin!" yaya nung isang girl
"Oo nga! Tagal ka nanaming inaaya na lumapit samin eh"
"Oh? Ginagawa mo dito?" I asked him irritately not in the mood to make a scene with him. At inferness ha? Ngayon ko lang ulit nakita tong letseng lalaki na to. And thank God I already moved on dun sa pananakot nya sakin the last time that we talked. Can I really consider that as talking? Hm…
"Tabi!" tangi nyang sinabi, with his oh-so-cold-tone of voice
"Bakit? Nakaharang ba ko?" and I replied him sarcastically
"Hindi ka naman kakain ah? Tabi!" sabi nya pa. siga sigaan lang?
"Hoy kapreng singkit! Para sabihin ko sayo hindi mo pagmamay ari ang pwesto na to. And FYI ulet hindi nako natatakot sayo!" napatayo ako sa inis dahil sa kayabangan nya. Kung natakot nya ko before pwes! Hindi na mangyayari yun ngayon! NEVAH!
All of the girls around us gasped and shoot me a sharp stare. Some of them are looking at me from head to foot and some of them are whispering while looking at me. Wala akong pakealam kung magbulungan sila dahil sa inaaway ko ang crush nila na masarap ikas-crush ang mukha sa pader. Hahaha KEI.KORNI. Pero ang pinagtaka ko lang eh kung bakit parang medyo nagulat sila pati yung ibang estudyante na dun ako nakapwesto. Kanina kasi sinundan pa nila kami ng tingin habang papunta sa pwesto na to eh. May ginto ba dito? Bomba? O red card na parang sa F4?
"Really?" he said then stands
"OO!"
"Tumabi ka na nga lang! nagugutom na yung tao eh"
"Edi magutom ka! Maghanap ka naman ng pwesto paminsan minsan. Bakit ano akala mo sa sarili mo? Hari ka? Hari?" medyo nageeskandalo na kami dun at yung ibang kumakain eh napapatingin na samin
"At tska dun ka na lang sa iba. Dami nag yaya sayo eh" sabay upo ko nalang at lumingon. Tagal naman nung dalawa
"Ayoko. Do you remember? I.OWN.THIS.PLACE" he said it with a pause on every word while trying to put his face inches on mine. Magkatapat kami actually. As if naman na matatakot nya ako ulit. Diba kakasabi ko lang? hindi na! hinding HINDI. Kung walang lalaban sa kayabangan nito, pano na ang mga kabataan at kanilang kinabukasan? Pano na ang bansa at ang pagiging makabayan? Pano na ang world peace? Ok tama na.
Maya maya, may lumapit samin. Staff ni Mang Alex si Rustom bading hahaha yup Rustom ang name nya at bading sya. He often called as "Bibi" haha get the sense? Rustom? Bibi. Ah whatever
"Ganda" tapik nya sakin. Ay ako pala yun? At para hindi masyadong halata eh pasimple akong lumingon sa kanya
"Ano yun?" mahinahon kung tanong dito
Lumapit sya sakin at may binulong sakin
"Pasensya na ha? Pero kay Ichi Rodriguez tong pwestong to eh" mahinahon nyang bulong sakin. I look at him at napataas ang kilay sa pagtataka. At nang makuha nya ang ibig sabihin ng kilay ko eh tinaas nya yung bag ko na nasa may kabilang dulo ng table at pinabasa.
Reserved for Ichi Rodriguez by the Management
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Bibi, ngumiti sya sakin na parang humihingi ng pasensya. Inalis ko ang tingin sa kanya at binalik ang tingin kay kapreng singkit. And he mouthed the word 'see?' with his eyebrows raising then he smirk.
"See?" oh diba? Inulit pa nya? "Tabi sabi eh"
Wala na kong nagawa kundi ang tumayo dala ang bag nung dalawang kumag na napalayas na kami sa pwesto at lahat wala parin. More more libro pa naman ang bigat lang po.
I shoot a sharp stare at him at lumingon sya.
"Just for the record, you're the first girl who sits in this table. Kaw lang ang nagtangka actually"
Malay ko ba na kanya yun? Malay ko ba na hari..teka hari?
"And for the record, I do regret na naupo pa ako dyan no. baka mahawa pa ko ng kayabangan mo!" at kaladkad ko parin halos yung gamit namin habang naglalakad sa di kalayuang pwesto. Nakakita na ko ng space eh.
"Wow ha? At pinagsisihan mo pa? dapat nga matuwa ka eh. Kaw palang ang nakakaupo dito. Hindi naman sa pagiging OA. Ikaw lang ang tanging estudyante na umagaw ng pwesto ko" he stands then lumayo ng konti dun sa mesa at maya maya may naglinis ng mesa. Aba teka, ano sya may obsessive compulsive disorder? O talagang maarte lang? eh bag lang naman namin ang nakapatong dun kanina ah?
Mukhang napansin nya yung nakakunot kong noo habang pinapanood na nililinis yung table.
"Incase lang, baka may nakamamatay kang virus eh. Mabawasan pa ng gwapo sa mundo" then he laugh at naupo na at may nag serve sa kanya ng pagkain. Eto lang ang masasabi ko WHAT THE EFFFF!!!
Padabog akong naupo na gumawa ng ingay lalo sa sa mga kalapit na table. Dumating yung dalawa na nagtatawanan pa
"Oh? Bat naiba yung pwesto natin diba-----"
"Wala! Basta! WAG NA TAYONG PUPWESTO DUN!" I said it to them habang nakalingon sa kanya. Sya nakatingin naman sakin at medyo natatawa. Mabulunan sana, letse.
" Bakit?" pagtataka parin ni Simon
Hindi na ko nagusap
"Hay nako gutom lang yan Saia" at binigay nya yung pagkain ko. "Oh eto oh. Calamares paborito mo" sabay bigay sakin ng sukli. Wow! Pampagaan ng loob. Hay nako, ikakain ko na lang ang lahat ng to!!
"buti na lang bumili ako nito" tapos nilabas nya yung plastic at pinatong sa mesa. STICK O!!! Waaaah! All time favorite wafer stick! Mabubuhay na ko kahit ito lang. kahit nga isang garapon lang ng ganto para sa birthday ko ok na ok na ko eh hahaha
"WOW!" napasigaw ako na parang batang munti
"Yan, pampatanggal topak" tumawa sya at ginulo ang buhok ko
"Topak?" I pouted my lips haha pacute
"Oo, topakin ka kasi. Favorite mo yan diba?"
Tumawa na lang ako. Nako naman talaga Isaiah.
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"