CHAPTER 3: PAG FIRST DAY TALAGA

98 0 0
                                    

Hayun, mga 12:30 lunch break na. Pagdating sa cafeteria. 0___0!!! Daming pipolets!! Box office hit ang cafeteria. Double platinum pa ata. Dumog kung dumog. Wooh first day lang yan. Mga naiigno pa sa mas maraming choices ng pagkain eh

"San tayo uupo nyan?" tanong ni Isaiah sakin

Basta ako sa puso mo, dun pa ko titira. Kelan pwede lumipat? Gusto mo ngayon na? hahaha

"ewan nga eh" buti iba pa yung nasasagot ko sa mga iniisip ko kung hindi yare

"HEY!!!" sigaw ng isang lalaki sa may right side. Pagkadaan nung ibang students nakita naming si Simon pala

"dito na lang tayo!!!" sigaw nya pa ulit. Close na tayo? Kelan pa? Di mo naman ako ininform eh

"Tara, buti nakahanap si Simon ng upuan" tapos inakbayan nya ko. >___< Ay close na pala tayo Simon diba? Diba? HAHAHA

"Salamat pre ha?" sabay hampas ni Isaiah sa balikat ni Simon

"No problemo señorito" sabay ngiti.

Naupo narin ako

"Anong kakainin mo Saia?" tanong ni Isaiah sakin

"ewan ko pa eh. May chicken pastel kaya?" tanong ko habang lumilinga linga sa mga food stands. peburit ko kasi yun eh ^---^

"Sige hanap kita" sabi nya sakin

"Sure ka?"

"oo naman" sabay ngiti. "Bayaran mo na lang pag balik ko dito"

"Ah….ok"

"Tara pre hanap tayo" yaya nya kay Simon

"Lady guard ka muna ng table natin ha?" sabi ni Simon sabay tayo at umalis. Ngumisi lang ako, yung tipong pang inis

Tapos inobserbahan ulit ang paligid. Pag first day talaga di mawawala yung ganto. Crowded na kala mo nasa premiere night ng movie, kala mo mauubusan ng pagkain. Kala mo wala ng bukas kung magsitawa. Yan tayo eh, pakealamera lang

Maya maya may lumapit saking babae

"Hi Miss" sabay ngiti nya sakin. Lumingon ako sa kanya with uninterested look

"Yeah?" sabi ko

"Do you want to be part of our club?" tanong nya. Ay teh ang pretty nya. As in, long hair na medyo wavy ang end, tapos may height tapos ang amo ng mukha nya mala Julia Baretto ganun at ang puti. Ang ganda ng smile nya

"Ha?ah…." ang tangi kong nasagot sa kanya

"It's ok, if you want to check our club on your most convenient time, you are mostly welcome" sabi nya sakin at nag abot ng flyer. Nung kinuha ko, Diamond Theater. Ay Drama Club. 

"Sige, I'll try po. But don't expect me na sumali. Wla akong talent" sabi ko na may halong dismaya

"Don't degrade yourself. You are cute and I know na may talent ka. Lahat meron nun" nako sumesales talk sya

"Uhm…tulog ako nung mga oras na nagsabog si Lord ng talent eh. Lang natira kaya eto nga-nga" sabi ko nalang para makalusot

"Hahaha. May pagkakomedyante ka pala" ang ganda nya parin kahit tumatwa" By the way I'm Megan Castillo" at inoffer nya yung left hand nya. 

"I'm Saia Dimaguila. Nice meeting you din" at ngumiti ako and nakipag shake hands.

"Daan ka sa theater ha?" kulit 101 din to eh.

"Try ko" 

"sige alis na ko. Nice meeting you Saia" at umalis na sya

Hinabol ko ng tingin yung pag alis nya so as the students na nadadaanan nya.

Napatingin ako sa flyer na binigay sakin. Hindi ko naisip na mag theater kahit na minsan. Sabi lang naman dadaan diba? At dumating na yung dalawa

"Eto na ang chicken pastel~~~~~~" sakit sa tenga nung boses ni Simon

At naiserve sakin ni Isaiah with matching spoon and fork tapos may tissue pa. butler lang ang peg nya?

Napatingin ako sa kanya

"Eatwell my Princess" sabay ngiti nya sakin. Syeeeeeeeeet #>_____<# namula ako oo feel ko namula ako

"Saia namumula ka?" syet sabi ko na eh

"Ah…..wala mainit kasi eh wooh!" at nagpaypay ako gamit ang flyer na inabot ni Megan sakin kanina. PALUSOT.COM/SAIA.echosera hahaha makapagpalusot

"Ate palakas naman po nung ceiling fan please" sabi ni Isaiah sa babae na nag liligpit ng pinagkainan sa kabilang table. At nilakasan nya nga. Syet si Isaiah talaga. He didn't fail me. Kahit nag papalusot lang ako may paraan parin sya para papulahin ang mukha ko. Osya KAINAN NA!!!

"Ang crowded pag lunch time no?" Simon said

"Oo nga eh"

Tapos may napansin kami na kumpulan ng estudyante sa may isang tapat na food stand. Anong meron? Sale ba ng ulam dun na pangat kaya ganun?

"Ano yun daming tao?"

"Ewan. Kumain na lang tayo"

"Mabuti pa nga"

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon