Kabanata 1

2.3K 79 10
                                    

Manila, 2010

Ilang araw na akong walang tulog.

Araw-araw na lang ay gano'n ang nakasanayan ko. Sa t'wing hihiga ako at pipilitin kong makatulog, wala. Kaya naman napipilitan akong titigan ang kisame. Kabisado ko na nga ang bawat anggulo at kurba nito--kulang na lang ay maging kisame na rin ako.

Kung dadalaw man ang tulog, agad din akong magigising. Kun'di dahil sa bangungot, masamang alaala naman ang dahilan.

Hanggang kailan ko ba tatakbuhan ang aking nakaraan?

"Ang hirap sa trabahong 'to, lagi tayong kapos sa tulog!" reklamo ng katrabaho ko na si Zyra habang kami ay nag-lulunch sa pantry ng office. "Hello? Ev?" natauhan ako dahil sa boses niya.

Napatingin ako sa relo ko, alas-dose pa lang ng madaling araw at may apat na oras pa bago ako mag-out sa trabaho.

"Sorry, may naalala lang." Wika ko habang sumisimsim sa mainit na kape, tapos na ako kumain ng sandwich bilang pampalipas gutom.

"Tapos, 'yung mga boses ng customers, naririnig ko na kahit sa pagtulog ko. Ano ba 'yung mga linyahan nila? 'Where is your supervisor?' O kaya naman, 'Do you even know how to do your job? You are so stupid!' Nakakairita!"

"Parang hindi ka pa nasanay, Zy, ano ang lagi kong sinasabi sa'yo? Pasok sa isang tainga, labas sa kabila." Paalala ko.

Natawa siya at kinain ang tsitsirya na nasa unahan, nang alukin niya ako ay tumanggi ako. "But I do admire your determination, Ev. Biruin mo, ikaw palagi ang number one sa team. Ay, hindi lang pala sa team, pati na rin sa buong office branch natin dito sa Quezon City!" pagmamalaki niya.

Sa gitna ng pagdadaldalan namin ni Zyra, ay bumungad sa amin ang team leader ko na si Samuel. Humalukipkip siya at tinapunan ako ng masamang tingin.

"Diba, hanggang alas-dose lang ang lunch time ninyong dalawa?" singhal niya sa amin, "It's 12:05 am."

Pagkasabi niya no'n ay mabilis din siyang umalis, napa-ehem naman si Zyra. "Napakasungit talaga ng team leader natin, ang toxic!"

"Ewan ko ba ro'n, parang palaging mainit ang ulo sa atin." Napailing na lang ako habang tumatayo at nililigpit ang pinagkainan sa mesa.

"Lalo na sa'yo." Paglilinaw ni Zyra na halatang nagmamadali na rin. "Baka inggit lang siya sa beauty mo. Alam mo, pakiramdam ko, boys din ang bet niyang si sir Samuel. Guwapo naman pero walang girlfriend."

Inirapan ko na lang si Zyra at niyaya siyang pumasok ng production floor upang hindi na kami masumbatan pa. Sa 'prod' or production floor nagaganap lahat ng pagtatawag namin sa mga customers. Iyon ang trabaho ko.

Pagdating namin sa loob ay abala ang iba pang ahente sa pagtatawag. Ang ilan ay inaantok na, patingin-tingin sa orasan, o kaya naman ay minumute ang mga customer na nakakausap saka nila ito mumurahin.

Natawa na lang ako. Ito talaga ang madalas kong nasusubaybayan sa mundo naming mga call-center agents; ang walang katapusan at paulit-ulit na pagsusumamo sa mga taong hindi naman lahat deserve ng pag-iintindi, ang pakikibagay sa mga katrabahong ginawang talento ang tsismisan, at pagtitiis sa mga boss o 'higher ups' na wala namang malasakit sa empleyado nila.

Pagkarating ko sa station ko kalapit sa may salamin na bintana ay iniwasan ko ng tingin si Samuel na alam kong bubulyawan na naman ako dahil ten minutes akong late.

Si Zyra ay nagtungo na rin sa sarili niyang estasyon at ako naman ay naupo na. Isinalampak ko ang headphones sa tainga ko at nag-antay sa susunod na tatawag.

'Di nagtagal ay narinig ko na ang pamilyar na ring mula sa headphones, indikasyon na mayroon nang pumasok na tawag sa akin.

"Hi! Welcome to Horizon telecommunications, this is---"

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon