Kabanata 36

614 26 38
                                    




Evangeline Aurelia Laverde

HINDI KO akalain na isang panaginip na lang din ang pagbabalik ko sa panahon ko. Saka ko lang naalala na dumiretso ako sa silid ko matapos ng pag-uusap namin ni Rafael hanggang sa makatulog ako.

Nagbihis ako ng pantulog at ibinalot ang alampay sa balikat. Sinindihan ko ang isang lampara bago bumaba ng sala. Doon, naabutan ko si Vicentio na nakaupo sa mahabang sofa, at mukhang malalim ang iniisip nito.

"Intio?" Nilapitan ko siya. "Ayos ka lang ba?"

"Ev," Gulat siyang napatingin sa'kin. "Bakit gising ka pa?"

Tinabihan ko siya. "Naalimpungatan lang ako. Ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo, a?"

Napayuko siya. Ngayon ko lang nakita si Vicentio na ganito kalungkot at kaseryoso. "Si Rafael..."

"Si Rafael? Bakit? Ano'ng nangyari kay Paeng?"

"Nilisan niya ang aking tahanan, Evangeline. At ipinapasabi niya sa'yo na huwag mo na siyang hahanapin muli."

Natawa ako. "Hindi...hindi gagawin ni Rafael 'yon. Hindi niya ako iiwan dito."

"Pilit ko siyang pinigilan, pero desidido na ang aking kaibigan. Hindi rin niya sinabi kung saan siya magtutungo, at kung bakit humantong siya sa ganoong pasya," paliwanag ni Vicentio.

"W-Wala ka bang napansin sa kaniya bago siya umalis? Kahit anong bakas o senyales."

"Noong magkausap kami kanina, namumugto ang mga mata niya at tila wala rin siya sa sarili. Ngayon ko lamang nakita si Paeng sa ganoong kalagayan. Halos hindi niya ako matignan sa mata..."

"Saan naman kaya nagpunta 'yon?" Napatayo ako at nagsimulang pumarito't pumaroon. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko itong lahat."

"Binibini, tiyak ako na babalik din sa ulirat ang aking amigo."

Pilit akong pinakalma ni Vicentio, pero kahit ang mga pangako at katiyakan mula sa kaniya na hahanapin niya si Rafael ay hindi umubra.

"Patawad, Vicentio, pero kailangan kong umalis." Kinuha ko ang isang lampara at tumatakbong nagtungo sa bukana ng kaniyang mansiyon.




MASUWERTE AKO dahil kahit alanganing oras na, isang kalesa ang huminto sa harap ko. "Magandang gabi , Binibini. Hindi na ho ligtas para sa isang babae ang lumabas nang ganitong oras," paalala niya.

"Dalhin mo po ako sa simbahan," sabi ko.

Sumang-ayon naman siya. "Walang problema, hija. Mabuti na lamang at doon din ang daan ko pauwi." Ipinambayad ko sa kaniya ang ilang barya at nagpasalamat naman ang kutsero.

Ilang minuto rin siguro ang lumipas bago kami huminto sa tapat ng isang simbahan. Mas malaki ito kumpara sa simbahan ng San Marquina. Nagpasalamat ako sa kutsero at narinig ko na lang na papaalis na ang kalesa niya.

Pagkapasok ko sa loob, maraming rebulto ng mga santo ang makikita sa paligid. Napupuno rin ng imahe ng mga anghel ang kisame nito, samahan pa ng makulay na stained glass kung saan hawak ni Mama Mary ang batang Hesus sa kamay. Samantala, naupo naman ako sa gitnang bahagi ng mahabang bangko.

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon