Kabanata 25

652 40 32
                                    

Grabe iyong feels habang pinapakinggan ko iyong "Fire on Fire" ni Sam Smith while writing Evangeline & Lucero's scene, kaya I suggest na pakinggan niyo iyon habang binabasa ang chapter na 'to.

Enjoy reading! ❤️

▪︎▪︎▪︎▪︎

Evangeline Aurelia Laverde

"Alam ko na ikaw iyong nagmamasid sa amin kanina," panimula ko kay Lucero. Humakbang ako palapit sa kaniya para makita ko sa mga mata niya ang katotohanan. "At ikaw din ang nakahanap ng kuwintas ni Rafael."

"Ano naman ang kinalaman ko sa inyo ni Rafael?" buwelta niya, napansin ko rin ang duguan niyang bibig at pawis na pawis ang dibdib niya. "Puwede ba, Evangeline, huwag mo na akong ginagambala sa mga bagay na walang katuturan."

"Gusto ko lang malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nandoon ka kanina. Isa ka bang espya at may nagbayad ba sa'yo para gawin iyon?"

Nagpameywang siya at lumapit sa akin, "alam mo na may asawa si Rafael. Kung makikipagsiping ka na lang din sa may asawa, sana ay sinamantala mo na rin ang pagkakataon at nakipagtanan sa kaniya."

Ako naman ang nagpameywang. Hindi ako makapaniwala sa taong ito. "Inaamin mo nga? Na ikaw 'yong nagmamasid sa amin habang..."

"Habang ano? Sige, Evangeline, isiwalat mo ang katotohanan, nananabik akong marinig iyon mula sa iyo."

"Huwag mong paikutin ang sitwasyon, Lucero, aminin mo sa akin ang totoo."

Bubuksan pa lang niya sana ang bibig para magsalita hanggang sa may isang guwardiya sibil ang hinihingal na lumapit sa amin. "Señor Valiente!" Sigaw nito.

Sabay kaming napalingon ni Lucero sa kaniya. "Siguraduhin mong mahalaga 'yang balitang--"

"Hindi na po yata humihinga si Selso! Naghihingalo na!" bulyaw nito.

Nang hindi man lang ako tinitignan, iniwan ako ni Lucero sa daan at nagtungo siya sa loob ng bilangguan. Sumunod naman ako para malaman kung ano ang tinutukoy ng guwardiya sibil.

Tumigil silang dalawa sa tapat ng isang selda at noong nakita ni Lucero na sumunod ako, napamura siya sa wikang Espanyol. Sinilip ko sa loob ng selda ang isang lalaking nakahawak na sa rehas at mukhang hinahabol na niya ang bawat paghinga. Namumutla na rin siya at mukhang bibigay na ang katawan niya anumang oras.

Binuksan noong guwardiya sibil ang selda at pilit na itinayo ang preso ngunit bigo siya dahil wala na itong lakas. "Inaatake yata siya sa puso, Koronel Valiente." Ani guwardiya sibil na hinihingal pa rin ngayon.

"Tumabi ka riyan," itinulak palayo ni Lucero ang sundalo na katabi ko na ngayon.

Pansamantalang natakpan ang katawan ng lalaki dahil sinusuri na siya ni Lucero. Nilingon ko ang guwardiya sibil na katabi ko na sobrang nababahala nang dahil sa nangyayari.

"A-Ano ho ang nangyari sa kaniya?" tanong ko. "Bakit hindi natin dalhin sa pagamutan?"

"M-Mukhang hindi na siya aabot doon, Binibini." Umiling-iling ang lalaki, "si Koronel Valiente lang ang may karapatan na magdikta sa kung ano ang gagawin sa bilanggo na iyan."

"Bakit? May kinalaman ba si Lucero kung bakit siya nagkakaganiyan?"

Nanginig ang labi ng guwardiya sibil, nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang nalalaman.

"Hindi ko ho inaasahan na magtutungo si Señor Lucero ng ganitong oras sa bilangguan. Sinugod niya ang lugar at itinanong niya sa akin kung sino ba ang may higit na kasalanan sa mga bilanggo rito at itinuro ko si Selso Natividad."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon