Kabanata 8

575 38 22
                                    

Bago basahin, gusto ko lang pong ipaalam na pinalitan ko ang title ng libro na 'to from 'Sa Aking Pagtulog' to 'Amor Prohibido' (Forbidden Love). Sa palagay ko kasi ay mas babagay ang title na bago para sa istorya. Enjoy!

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Evangeline Laverde

"Ano'ng ginagawa niyo sa madilim na lansangan habang magkapatong?" panimulang tanong ni Lucero nang marating namin ang kanilang tahanan. Nasa salas pa lang kami ay iyon na ang bungad niya.

Pasalamat pa nga ako at nakauwi kami nang matiwasay kahit na karumal-dumal ang experience na mahuli niya kami sa ganoong akto.

"Nag-uusap," prenteng sagot ni Rafael na naupo sa sofa at dumekwatro pa.

"Habang magkapatong?"

Tumango si Rafael. "Hindi kami magkarinigan nang maayos," lalong sumimangot ang mukha ni Lucero kaya sumuko na lang ang nauna. "Nahulog si Evangeline kay Balios kung kaya't pumaibabaw siya sa'kin. Aksidente lang ang lahat." Paliwanag niya.

Hindi ko pa rin nakikita sa mata ni Lucero na kumbinsido siya, kaya naman ipinaliwanag ni Rafael ang pagkawala ko na siyang naging dahilan kung bakit kami magkasama kanina sa dilim.

"Ayusin mo ang pag-asta mo sa kababaihan, Rafael," pangaral ni Lucero. "Kapitan ka sa bayang ito at tiyak ako na hindi nanaisin ni Cristina na malaman ang mga kapilyuhan mo ngayon."

Cristina? Sino naman ang babaeng iyon?

"Ano naman ang kinalaman ni Cristina sa usaping ito?" ani Rafael.

"Ipapaalala ko lang sa'yo, kung gusto mong matuloy ang ninanais mong kasalan ninyo, umasta kang karapat-dapat para sa kaniya."

Nagsalit ang tingin ko sa dalawa. Ano ba'ng pinag-uusapan nila?

"Mahal ko si Cristina at hindi magbabago 'yon." Seryosong saad ni Rafael. Napahawak ako sa katabi kong mesa.

Isang nang-uuyam na ngiti ang binigay ni Lucero sa kapatid. Samantala, tinapatan naman ako ni Lucero kaya naman ninerbyos ako.

"Medyo makalat na ang silid ko," sabi niya sa'kin. "Kung pasuswelduhin kita bilang tagapagsilbi, marapat lang na gampanan mo nang maayos ang trabaho mo."

Napayukom ang dalawa kong kamao habang nakatingala at nakatingin sa kaniya. Marami na akong naisip na puwedeng sabihin sa kaniya pero ang tanging nasabi ko lang ay...

"Sige, lilinisin ko ang silid mo ngayong gabi."

Nakita ko ulit ang ngiti sa gilid ng kaniyang labi. "Ayaw ko nang may gagalawin ka sa kuwartong iyon na mahahalagang bagay. Linisin mo lang ang kailangan mong linisin. Naiintindihan mo ba ako?"

Puwede ko rin kayang linisin ang maitim niyang budhi?

Tumango ako. Iniwan na kami ni Lucero sa salas. Nilapitan ako agad ni Rafael. "Evangeline, bukas mo na lang siguro tapusin ang ipinapagawa sa'yo ni Lucero, magpahinga ka na't gabi na rin."

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong ko. Umiling siya. "Mabuti naman. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

Tinalikuran ko na siya at papunta na sana ako sa ikalawang palapag para linisin ang silid ni Lucero hanggang sa...

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon