Kabanata 20

589 35 8
                                    


Rafael Leonel Valiente

NAKATAYO AKO ngayon sa harap ng pintuan ng aming mansiyon, nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba ito sa pagnanais na humingi ng dispensa sa mga nasabi ko kanina kay Lucero.

Tanggap at batid kong hindi na ako kabilang sa pamilyang nagpalaki sa akin. Matapos kasi ang napakaraming alitan namin ni Lucero, nasagad na ang pisi ko mula nang malaman ko na pakakasalan niya si Cristina.

Gayunpaman, mali ang iniasta ko sa harapan niya kanina. Kung may ayaw man ako sa sarili ko, iyon ang pagiging mapagpatawad kahit pa hindi karapat-dapat ang taong patatawarin ko.

Itinaas ko na ang kamay ko at kinuyom ang kamao para kumatok, ngunit hindi ko na nagawa ang pagtatangkang 'yon nang biglang bumukas ang pinto at tumambad si Cristina sa harapan ko.

"C-Cristina," nauutal kong sinabi, "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Pinagmasdan ko siya. Magulo ang pagkakaayos ng kaniyang damit, mamula-mula ang mga mata, at napansin ko ang namumulang pasa sa kaniyang leeg.

"Rafael..." Hindi siya makatingin sa mga mata kong nakatuon lang sa kaniya.

"Napano ka?" pinapasok ko siya ulit sa loob ng mansiyon kahit pa alam kong ikakagalit ni Lucero ang pagpasok ko rito. "Bakit ganiyan ang hitsura mo?"

Binuksan niya ang bibig para magsalita ngunit hindi man lang niya magawang makatapos kahit isang pangungusap. Mailap ang mga tingin niya sa'kin at para bang ayaw niya akong makita ngayon.

Kung anuman ang dahilan na nandito siya, hindi na dapat ako nabibigla. Alam ko naman na ikakasal na siya kay Lucero at inaasahan ko na rin ang mga ganitong tagpo.

"H-Hindi na ba ako ang iniibig mo, Leonel?" Leonel. Iyon ang paborito niyang itawag sa akin. Ayaw niya kasi ang palayaw kong 'Paeng' dahil para sa kaniya ay kakatwa iyong pakinggan.

"Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan," ayaw ko mang gawin ay sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. "Ayusin mo ang sarili mo, Cristina, ihahatid na kita pauwi."

Kumislap ang balintataw niyang nakatitig na sa akin. Punong-puno iyon ng pag-asa at pangungulila.

Napatingin ako sa gilid. Nakita ko ang nabasag na bote ng alak at may isang piraso ng saplot ang nasa sahig. Pinuntahan ko iyon at pinulot ang polong puti na natatandaan kong suot ni Lucero kanina.

Bumaling ang tingin ko kay Cristina at sa kasuotan na hawak ko ngayon. At ang basag na bote ng alak...mierda, tiyak ako na pinaglalaruan lang ako ng isipan ko ngayon.

Ihinatid ko no'n si Cristina pauwi. Parehas kaming walang imik pero napapansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. Nais ko siyang tanungin kung ano ang nararamdaman niya na ikakasal na sila ni Lucero, ngunit nakatuon ang isipan ko sa mga katanungan tungkol sa natuklasan ko kay Evangeline.


HALOS DALAWANG linggo na mula nang huli ko siyang makita, at dahil hindi mapalagay ang isipan ko, inanyayahan ko ang kaibigan kong si Vicentio na magtungo sa bayan ng San Marquina.

Narito kami ngayon sa tinitirhan kong dampa na malapit sa batis, ako ang nagtayo ng tirahang ito na siyang pinagpuyatan ko sa loob ng dalawang linggo. Sa durungawan kung nasaan ako ngayon, tanaw na tanaw ko ang napakagandang anyong tubig.

"Iniwan ko ang maringal kong tahanan sa bayan ng De la Vega para sa isang babae?" tudyo ni Vicentio habang inaayos ang mga damit na nasa loob ng tampipi.

"Hindi lang siya isang babae, Vicentio. Mahalaga siyang...kaibigan." At kahit hindi ako sa kaniya nakatingin, alam kong hinuhusgahan na niya ako ngayon.

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon