Kabanata 3

1K 56 12
                                    

Naalala ko na naman ang gabing iyon.

Apat na buwan na ang nakalipas. Nagmamaneho ako papunta sa ospital dahil nabalitaan kong inatake sa puso ang isa sa mga nagpalaki sa'king madre sa bahay ampunan---si sister Lilia.

Kumakaripas ng takbo ang sasakyan ko. Hindi na ako aware sa mga nangyayari dahil isa lang ang nasa isip ko--ang maabutan ko pa ang kaisa-isang taong itinuring ako na parang pamilya.

Maulan at halos wala na akong makita sa daan. At sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho, sa kagustuhan kong makita si sister Lilia, bigla na lang---

Napabalikwas ako ng bangon. Masamang panaginip lang pala. Napahawak ako sa sentido kong pumipintig. Nasaan nga ulit ako? A, nasa Batangas kung saan kasama ko ang mga katrabaho ko.

Pero teka...bakit nasa kagubatan ako?

Inalala ko ang mga nangyari. Klaro naman ang lahat sa akin na nagpunta ako sa isang restaurant at doon ako nakatulog. Dulot ba ito ng alak kaya narito ako? Pero hindi naman ako nalasing!

Napayuko ako at suot ko pa rin naman ang puting bestida na pantulog ko kagabi sa resort. Siguro nga ay late nang tumama ang alak sa sistema ko kung kaya't napadpad ako rito.

Pinukpok ko 'yung sentido ko dahil sa katangahang nagawa. Ano na lang ang iisipin ng mga ka-work ko? Baka mamaya ay pinaghahanap na nila ako at magiging abala pa ako sa kanila. At si Zyra...baka magpatawag pa ng pulis ang babaeng iyon.

Kinapa ko ang bulsa ko. Wala na sa akin ang cellphone ko!

At dahil nataranta ako, naglakad ako palayo sa gubat hanggang sa nakita ko ang mahabang tulay na yari sa kahoy na siyang nagdurugtong sa kabilang daan. Sa ibaba no'n ay may ilog kung saan naririnig ko ang agos nito. Sa kanang bahagi naman ay kitang-kita ang malalaki at nag-gagandahang bundok. Rinig ko rin ang huni ng mga ibong nagliliparan.

"Sigurado, paglagpas ko ng tulay, makikita ko na ang resort namin." Sabi ko sa sarili ko para kumalma ako.

Dahan-dahan akong tumawid ng tulay. At nang maka-apak ako ng bato ay saka ko lang na-realize na wala akong tsinelas na suot. Nakayapak kong tinawid ang natatakot na tulay at pagdating sa gitna ay umuga pa ito dahilan para mapasigaw ako.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tali hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng tulay. Bawat daan ay inaalala ko kung sakaling maligaw ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglakbay sa kagubatan hanggang sa narating ko ang bahagi ng probinsya kung saan madami ang nakatayong mga kubo. Nalayo na nga yata talaga ako sa resort!

Lumapit ako sa isang kubo. "Tao po.." mahina kong sinabi.

Pero walang taong lumabas kaya naman napilitan akong magpunta sa ibang kubo. Ganoon din. Wala ring tao katulad sa nauna.

Hanggang sa nakarating na ako sa ikalimang kubo at wala pa ring sumalubong sa akin na maaaring tulungan ako. Hindi kaya...nasa kampo na ako ng mga terorista?

Dahil sa mga naisip ko ay mabilis akong lumayo sa mga kabahayan. Ilang saglit pa ay dinala ako ng mga paa ko sa talahiban patungo sa bayan kung saan nasa gilid ng lansangan ang mga tao; nagbubulungan ang mga ito at para bang may inaabangan dumating.

Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno at palihim na sumilip sa nagaganap. Mas marami ang nakapalibot na kubo kung nasaan ako kaysa kanina. Sa mga kawayan naman ay nakasabit ang makukulay na banderitas at sa bandang gitna ay may entablado at mga miyembro ng bandang nagkukwentuhan.

Inalala ko ang buwan ngayon. September na pero bakit parang ang mga attire nila ay pang-buwan ng wika? Nasaang parte ng Batangas na ba ako?

Napailing na lang ako. Siguro nga ay ganito ang tradisyon sa lugar na ito. Sino kaya ang puwede kong hingian ng tulong? Ang mga miyembro ba ng banda? Ang mga matatandang nagbubulungan? O ang---

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon