Kabanata 19

701 44 21
                                    

BABALA: ANG KABANATANG ITO AY MAGLALAMAN NG MATURED CONTENT.

Read at your own risk.

▪︎▪︎▪︎▪︎

Lucero Damario Valiente


MATALIM ANG pagkakatitig sa akin ni Rafael ngayon. Akmang kukuhain ko ang papel na hawak niya ngunit mabilis niyang naiwas iyon sa akin.

"Ikaw ang gumuhit nito?" tanong niya ngunit batid ko na alam na niya ang sagot. "Hindi ko inakalang may talento ka rin pala sa larangan ng pagguhit, ngunit bakit si Evangeline ang napili mong paksa?"

Binawi ko sa kaniya ang papel at saka, nilukot iyon.

"Hindi iyan si Evangeline," sabi ko. Pilit kong iniiwasan ang mga mata niyang nakatutok sa'kin ngayon.

Itinaas niya ang baba animo'y nanghahamon. "Kung may nais kang aminin, sabihin mo na ngayon." Aniya.

"Tapos na ang ugnayan natin bilang magkapatid, Rafael. Wala na akong dapat ipaliwanag sa'yo." Nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro na kanina pa hindi matuloy-tuloy.

Pinasadahan ako ng tingin ni Rafael mula ulo hanggang paa, wala siyang sinabi ngunit ang mga mata niya'y punong-puno ng babala.

Dumaan siya sa durungawan kung saan siya nanggaling, at matapos no'n ay naiwan na lang ako sa dilim.

Ang totoo no'n, nandito ako dahil sa isang panaginip. Nitong mga nakaraan, isang babae ang madalas kong napapanaginipan. Kahit hindi ko naman siya iniisip, palagi siyang doon nagpaparamdam.

Kinamumuhian ko ang sarili ko na si Evangeline ang laman ng panaginip kong iyon.

Pero, bakit?

'Di hamak na isa lamang siyang estranghera na biglaang sumulpot sa bayang ito. Walang sedula o kahit ano pang papeles ukol sa pagkakakilanlan niya ngunit mabilis niyang nakakasundo ang ilang taong nakakasalamuha niya.

Pipiliin ko pa yata ang bangungutin kaysa sa mapanaginipan ko ulit siya. Ikakasal ako kay Cristina at hindi makakatulong na nagagambala ang isip ko ng isang walang silbing babae.

"Mierda," usal ko sa sarili. Napailing na lang ako at bahagyang napapikit. Walang saysay ang pagpunta ko rito kung hindi ko naman mahahanap ang libro ukol sa mga panaginip.

Isinara ko na lang ang hawak kong libro. Kailangan kong itigil ang kahibangan na ito. Batid ko na mas maraming mahalagang bagay kaysa sa inaatupag ko ngayon at isa na roon ang pagiging rebelde ni Rafael.

Hindi ko lubusang maisip kung paano niya nagawang pagtaksilan ang pamahalaan na hinubog siya upang maging isang tanyag na opisyales. Sinira niya rin ang tiwala na binigay ng aking yumaong ama gayong sa lahat ng bagay ay siya ang pinapaboran nito kahit pa ako ang tunay na anak.

Ngunit sa likod ng katotohanang iyon, hindi ko pa rin magawang hamakin na ipagbigay-alam kay Don Giovanno ang totoong katauhan ni Rafael. Marahil ay naniniwala pa rin ako na kaya niyang magbago upang maging tapat sa gobyernong kinalakihan niya.

Umuwi akong bigo sa nais kong gawin. Nasa bukana pa lang ako ng aming mansiyon, natanaw ko na ang isang babaeng tila may hinihintay sa labas ng aming pintuan.

"Evangeline?" bulong ko.

Dahan-dahan niya akong nilingon.

Si Cristina.

Muli akong nadismaya sa sarili ko. Bakit siya ang unang pumasok sa isipan ko?

"Ginoong Lucero," bahagyang yumukod si Cristina sa harapan ko. "Magandang gabi."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon