Kabanata 28

570 35 12
                                    

not edited. expect some minor grammar/typographical errors.

•••••

Rafael Leonel Valiente


"Natatakot ako para sa buhay mo, Leonel." Ani Cristina na ginagamot ang mga sugat na tinamo ko nang dahil sa mga rebelde.

"Sa ganitong paraan na siguro iginuhit ang kapalaran ko, ang mabuhay nang walang katiyakan." Tugon ko.

Napasingasing ako sa sakit noong dumampi ang mainit na tela sa aking leeg. "Pasensiya ka na," mahinang saad ni Cristina. "Hindi talaga ako ang pinaka-mainam na manggagamot."

Napayuko siya kung kaya't napabuntong-hininga ako. Idinampi ko ang palad ko sa kamay niya. "Malaki ang pasasalamat ko sa mga ginagawa mo para sa'kin, Tina."

Itinaas niya ang tingin. "Batid ko iyon, ngunit hindi ko kayang mabuhay araw-araw gayong alam ko na wala kang nararamdaman para sa akin."

Tumindig ako. Sa sandaling panahon ng pagsasama namin ni Cristina, ito ang madalas naming usapin--ang pagsasama namin para lang sa kombenyensya, at sa t'wing napag-uusapan namin ito, pinipili ko ang umiwas dahil ayaw kong masaktan siya.

"Saan ka magtutungo?" tanong niya, nag-aalala ang kaniyang mga mata.

"Hahanapin ko lamang ang isang kaibigan."

"S-Si Evangeline?"

Evangeline. Nasaan na naman kaya siya?

Umiling ako. "Kung gayon, mag-iingat ka sa pupuntahan mo."

"Makakaasa ka." Bahagya akong yumukod para halikan si Cristina sa pisngi.

PINUNASAN KO ang pawis ko sa sentido noong marating ko ang kampo ng mga rebelde. Parang ang tagal na noong huli akong magtungo rito.

"Nasaan si Estefan?" tanong ko sa isang binatilyong abala sa paninigarilyo. "Bumalik na ba siya rito?"

Tila nagitla ang kausap ko. At dahil mailap ang mga mata niyang ayaw akong tignan, dumiretso sa isang puno ng saging kung saan madalas nakatambay si Estefan.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya roon gayong matagal na siyang nawawala.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko, pumihit siya sa'kin.

"Wala kaming kinalaman sa nangyaring paglusob kagabi," panimula niya wari alam na ang ibibintang ko. "Matagal akong nawala, Paeng, siguro naman ay hindi mo ako pagdududahan."

"Ukol doon," humakbang ako palapit sa kaniya, "ano ba ang dahilan ng iyong pagkawala?"

Tumingin si Estefan sa paligid, tila ayaw niyang may makarinig ng susunod na sasabihin. "May grupo ng mga banyaga ang nagnanais na mapasakamay ang bayang ito..." aniya. "Kung tama ang aking mga nakalap na impormasyon, si Don Giovanno ang nangunguna sa pagpaplano ng paglusob sa ating bayan at hindi malayo na batid na iyon ng iyong hambog na kapatid."

"Hindi man kami nagkakasundo ni Lucero sa maraming bagay, alam ko na hindi niya magagawang ipaubaya ang sariling bayan sa isang banyaga," tugon ko. "Sa ngayon, kung pahihintulutan ninyo ang pakiusap ko, 'wag na muna sanang lumusob ang panig ng mga rebelde."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon