Kabanata 2

1.1K 70 6
                                    

TATLONG ORAS akong na-late sa trabaho dahil sa pangyayaring iyon. Alas-dose na ng madaling araw at sumisimsim ako ng mainit na kape habang nakatanaw sa viewing deck sa pinakamataas na bahagi ng gusali.

Lunch break ko na at pinili ko na lang muna mapag-isa para makahinga. Naintindihan naman ako ni Zyra at mabilis siyang pumayag sa pakiusap ko.

Kinuha ko ang phone ko at nag-search sa google:

Can lack of sleep cause hallucinations?

At ang lumabas na sagot ay:

As it turns out, lack of sleep disturbs visual processing, which results in false perceptions that can manifest as hallucination, illusion, or both.

Ibinulsa ko ang phone ko at nag-isip-isip. Siguro, kailangan kong magpa-consult sa doctor para maresetahan ako ng sleeping pills.

Simula kasi nung dumating si Samuel bilang team leader namin ay nai-stress na siguro ako kaya hindi na ako nakakatulog.

"Huwag kang tatalon," halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses na iyon.

"Samuel? I mean, sir Samuel? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Tatambay," pagsagot niya at lumapit kung nasaan ako. "Inagaw mo ang puwesto ko."

"Ganun ba," usal ko, "Hindi naman ako aware na nabili mo na 'to." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Wait," pagpigil niya, "Diba hanggang ala-una ng madaling araw ang sched mo ngayon? 12:30 pa lang."

Gusto ko sana sabihin na ayaw ko masira ang mood ko dahil sa presensya niya, dahil kapag malapit siya, puro bad vibes lang ang masasagap ko.

Kumuha siya ng lighter mula sa bulsa at sinindihan ang sigarilyo, inalok pa niya ako pero tumanggi ako.

Sinalampak ko na lang ang earphones ko sa tainga at habang namimili ako ng kanta sa phone ay narinig ko ulit siyang nagsalita.

"Sorry for disturbing your peace." Aniya. "Alam mo, you're a good agent naman, e. It's just that, masiyado kang mahiyain and you are afraid to step out of your comfort zone."

"Step out of my comfort zone? Ano naman ang ibig mong sabihin?" Pansamantalang nahinto ang paghahanap ko ng puwedeng pang-soundtrip dahil nauna nang mang-badtrip si Samuel.

"You don't go out with people, you don't like to mingle and engage with strangers. You know, dito sa industry natin, it's all about learning kung paano makisama sa tao."

"So, you mean na masama na ipakita ang totoong ako?"

"I'm just saying na learn to have fun." Paglilinaw niya. "Mamayang gabi, sumama ka sa team building natin sa Batangas. Two nights and three days lang 'yon."

Oo nga pala, matagal na nilang pinlano itong 'team building' na 'to na hindi ko naman makuha ang saysay kung bakit kailangan pa nito. Lahat sa mga ka-team ko ay sasama maliban sa akin na nagdadalawang-isip pa.

"Bahala na." Iyon lang ang sinagot ko bago ko pinlay ang music sa phone ko at umalis na sa viewing deck. Naiwan si Samuel doon na mag-isa.



MATAPOS NG SHIFT ay dumiretso kaagad ako sa apartment ko at bumungad sa akin ang landlord ko na si Bebang sa harap ng pinto. Nakapameywang siya at magkasalubong ang dalawang kilay.

"Hoy, Ev! Anong petsa ka na naman magbabayad ng pang-renta mo, aber?" Umalingawngaw ang maingay niyang boses sa pasilyo. "Sa susunod na linggo, kapag wala ka pa ring ibabayad sa akin, aba't magbalot-balot ka na! Ke ganda-gandang bata hindi naman makapagbayad!"

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon