Kabanata 14

534 41 14
                                    

Evangeline Laverde

HINDI KO alam kung bakit gano'n na lang ang pag-aalala ko para kay Samuel nang mabalitaan ang nangyari sa kaniya.

Si Zyra ang unang nakakita sa pangyayaring iyon dahil pauwi siya galing sa pagkikita namin at nakita na lang niya na nagkakagulo na ang mga tao sa tapat ng ospital.

Nakita niya raw si Samuel na duguan at may tama ng baril. Wala na itong malay at dahil sa pag-aakalang wala na itong buhay, ako ang una niyang tinawagan.

Pagkarating ko sa 3rd floor ng nasabing ospital kung nasaan ngayon si Samuel ay sinalubong ako ng namimilog na mata ni Zyra. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry dahil tinawagan pa kita. Alam kong may trauma ka sa mga ganitong incident at hindi tama na--"

"Shh, it's okay, Zy," hinaplos ko siya sa buhok, "It's alright," kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't-isa. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Kumusta ang lagay ni Samuel?"

"I-I don't know. He's bleeding all over noong dinala siya rito and ipinagdarasal ko lang na sana ay ligtas siya,"

Muli kong niyakap si Zyra. Katulad niya, natatakot din ako para sa kalagayan ni Samuel. Alam kong hindi siya ang pinakamabait na taong nakilala ko pero unti-unti ko siyang nakikilala.

Sabay kaming naupo ni Zyra at tahimik na naghintay. Maya pa'y lumabas ang isang doctor mula sa silid na katapat namin at huminto sa harap naming dalawa.

"Are you the family members of Mr.  Verdejo?" nagkatinginan kami ni Zyra. Siniko niya ako.

"Yes, siya po ang family member ni Mr. Verdejo!" tinuro ako ni Zyra. Namilog naman ang mata ko.

Tumingin sa'kin 'yung doctor. "How are you related to the patient?" usisa niya.

"A-Asawa niya po ako," halos magpakain na ako sa lupa nang dahil sa sinabi ko. Pero bahala na, basta malaman ko lang ang kalagayan ni Samuel ay okay na 'ko.

"Well, Mrs. Verdejo, your husband's condition is stable as of the moment. We've monitored his vital signs and luckily, sa shoulder siya tinamaan ng bala and it did not affect his brachial plexus," paliwanag niya. "Let's give him three to five days and puwede na siyang makauwi. Kailangan lang siyang obserbahan sa mga susunod na araw."

Sabay kaming nagpasalamat sa doctor. Nang umalis ito ay parehas kaming naginhawaan ni Zyra sa narinig.

Nasa tapat na kami ngayon ng ward kung saan naka-confine si Samuel. "Pumasok na tayong dalawa," pagyaya ko kay Zyra.

"H-Hindi na," umiling pa ito.

"Bakit? Samahan mo ako, Zy, alam mo naman na awkward ako sa mga taong---"

"Meron pa pala akong hindi nasasabi sa'yo," sabad niya bigla.

"Ano iyon?"

"Noong nilapitan ko si Samuel kanina, bago siya mawalan ng malay, narinig ko ang pangalan mo mula sa kaniya."

Napakurap ako nang ilang beses. "A-Ano? Imposible 'yon, hindi naman kami close ni Samuel para maalala niya oras na nasa bingit siya ng kamatayan."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon