Kabanata 7

652 43 4
                                    


Evangeline Laverde

Si Rafael ang nagsindi ng ilang kandila at lampara matapos itong mamatay lahat.

Kahit nagbitiw na ang kamay namin, ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang hinawakan ko kanina.

At heto kami ngayon, sabay na kinakain ang binili niyang mechado. Katulad dati, magkatapat kaming nakapuwesto sa hapag-kainan.

Laking pasasalamat ko rin sa mga binili niyang baro't saya para sa'kin. Masiyado na yatang nagiging makatotohanan ang bawat details sa panaginip kong ito.

Tanging ang pagkalansing ng kutsara't tinidor lang ang naririnig ko sa buong paligid. Kapansin-pansin ang katahimikan ni Rafael. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Inangat niya ang tingin sa'kin. "Oo naman. Hindi ba ikaw dapat ang tanungin ko niyan?"

"Sorry naman," sabi ko, "Nag-panic lang."

"Sori? Panik?"

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang meaning ng salitang banyaga sa kaniyang pandinig. Nagpatuloy siya sa pag-kain at hindi ko maiwasang mapatitig kay Rafael. Ngayon ko lang aaminin ito, may hitsura talaga siya. No, scratch that---sobrang guwapo niya.

As silly as it sounds, hindi ko aakalain na magagwapuhan ako sa taong hindi naman totoo. Ang nakadadala talaga sa pagkatao niya ay ang pilyo ngunit sincere niyang ngiti. Kaya niya yatang pakisamahan lahat ng taong makakasalamuha niya.

Matapos naming kumain ay inaya ako ni Rafael sa may azotea na ipinaliwanag niya sa simpleng termino bilang balkonahe. Nasa ikalawang palapag ito.

Sa ilalim ng maliwanag na buwan, napansin ko ulit ang sugat ni Rafael sa may bandang sentido. Napansin niyang nakatingin ako roon kung kaya't napaiwas ako ng tingin.

"Nagtataka ka siguro kung saan ko nakuha ito," aniya. "Sa aksidente. Lasing ako no'n at hindi ko namalayang nakatulog ako sa lansangan. Hanggang sa may dumaang kalesa at ayon, natapakan yata ako ng kabayo sa mukha." Natawa pa siya sa kinukuwento. "Mula noon, hindi na nabura ang peklat ko rito. Pangit ba tignan?" Nabigla ako sa tanong niya.

"Hindi naman. Curious lang talaga ako. I mean, nagtataka lang kung saan mo nakuha 'yan."

Inobserbahan niya ang bago kong saya na kulay light blue. "Bagay sa'yo," sabi niya. "Mukha ka nang naliligo."

Napanganga ako. "Ano'ng sinabi mo? Excuse me, halos isang oras ako kung maligo!" Depensa ko.

Sumingot siya bigla wari inaamoy ako. "Parang hindi naman," pang-aasar niya. "Napakabaho mo, binibini."

Napaamoy ako sa sariling kili-kili. "Mabango ako," mahinahon kong sinabi. "Amuyin mo pa kili-kili ko."

"A-Ayoko nga," ani Rafael na medyo napaubo. "Ikaw, may nangyari na ba sa'yo na talagang hindi mo malimutan?"

Natahimik ako. Dahan-dahan akong napatango.

"Oo, apat na buwan na ang nakalipas." Sagot ko. Maybe, okay na rin ang mag-open-up ako sa kaniya. "Maulan ang gabing iyon at nalaman ko ang balita na inatake sa puso ang isa sa nag-alaga sa'kin noong bata pa lang ako, si Sister Lilia. Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko alam na may nabangga na akong lalaki gamit ang sasakyan ko."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon