Kabanata 10

558 42 22
                                    


Labing isa.

Labing isang tunog ng batingaw ang narinig ko bago ako tuluyang nagising.

Hindi katulad ng dati, mas kalmado akong bumalik sa reyalidad. Bumangon ako at napahawak sa aking puso. Wala akong ibang naisip kun'di si Rafael na hahanapin na naman ako.

Babalik sana ako sa pagtulog nang marinig ko ang malakas na pagkatok mula sa aking pinto. Tumayo ako't binuksan iyon upang masurpresa sa mukha ng landlord ko na si Ate Bebang.

"Nasaan na ang---"

Mabilis kong kinuha ang wallet ko at pabalang na binigay sa kaniya ang bayad para sa renta ko. Fortunately, gumana ang pera para manahimik siya.

Padabog kong isinara ang pinto at bumalik sa kama ko. At dahil hindi mapakali, tumayo ako ulit at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Wala namang nagbago sa hitsura ko. Ako pa rin 'yong babaeng hindi naman kaakit-akit tignan para sa iba. Hindi kaputian ang kulay, mapungay ang mga mata, at hindi rin gaanong matangos ang ilong. At...ano ito? May tigyawat ako sa noo!

"Nababaliw na ba ako?" tanong ko sa sarili habang mariin na pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin.

Sinampal-sampal ko pa ang sarili. Totoo na ito. Kahit anong deny ko sa sarili ko, alam ko na may mahiwagang nangyayari sa panaginip ko.

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang google. Sinearch ko ang buong pangalan ni Rafael ngunit walang lumabas na kahit anong article tungkol sa kaniya.

Ano ba siya noon? Isa ba siyang bayani? Fictional character na nabasa ko? O talagang gawa-gawa lang ng imahinasyon ko?

Saka ko na-realize ang dapat kong i-search.

Bayan ng San Marquina

Pagka-click ko sa enter ay mga karinderya lang ang nagsilabasan, mga karinderyang wala namang kinalaman sa hinahanap ko.

Bumagsak na lang ang balikat ko sa pagkadismaya. Ano ang ipinapahiwatig ng panaginip ko?







BUONG GABI kong sinubsob ang sarili ko sa trabaho. Oo, kahit sinabi ni Samuel na huwag akong pumasok ng isang linggo ay pumasok pa rin ako.

Hindi maiwasan ang mapanghusga at nag-aalalang tingin ng mga tao sa paligid ko. Alam ko namang walang maitatagong sikreto rito sa call-center industry, that's why I'm sure na alam na nila ang pangyayari no'n sa banyo.

Nevertheless, nagkaro'n ako ng confidence na huwag nang pansinin ang judgement nila.

Naupo ako sa station ko at sinimulan na ang pagtatawag. Queuing kaya naman dire-diretso ang pasok ng mga calls mula sa mga customers na iba-iba ang ugali.

Narinig ko ang pag-ring ng headset ko. May panibagong tawag.

Ngumiti ako at naghanda para sa opening spiel ko.

"Welcome to Horizons Telecommunications, this is---"

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo," usal ng isang lalaki sa kabilang linya. "Kasinungalingan. Puro ka kasinungalingan."

Imposible...si Rafael?!

"Subalit nakita ko siya. Nakita ko siya sa panaginip ko at---"

"What do you think you're doing?" napaigtad ako sa boses na iyon. Si Samuel. Ibinaba niya ang tawag mula sa kabilang linya.

Napasapo ako sa noo. Inalis ko ang suot kong headset at hinagis iyon sa tapat ng computer. "Bakit mo ibinaba?!" singhal ko sa kaniya.

"Ayusin mo ang tono ng boses mo, Evangeline." Suway niya. Hinilot ko ang sarili kong sentido. "'Di ba sinabi ko sa'yo na magpahinga ka ng isang linggo?"

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon