Kabanata 17

615 42 18
                                    


Oppidum Maledictum et Oblitum

Imahe ng simbahan sa Bayan ng San Marquina ang nagpakita sa akin nang ako ay mawalan ng malay. Kasing-bilis ng kidlat kong nakita ang loob nito at habang tumutunog ang malakas na batingaw ay nagpapakita rin ang mga kerubin na nakaukit sa kisame ng simbahan.

At sa malawak na simbahan na 'yon, mga boses ng nagmamakaawa ang pumaibabaw sa paligid. Naririnig ko sila ngunit hindi ko sila nakikita. Ang kandila ay pumapatay-sindi nang dahil sa malakas na ihip ng hangin at ang pinto ay isinasayaw din nito.

"Tulungan mo kami!" pagsusumamo ng mga boses at nakaramdam na lang ako ng malalamig na kamay na humahawak sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Sinubukan kong kumawala sa mga kamay nilang tila wala nang buhay hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdilat ng aking mga mata.

Hindi ko akalain na magigising pa ako.

Humahangos akong bumangon sa kama. Halos sumakit ang leeg ko nang tumingin ako sa kaliwa't kanan upang makumpirma na wala na ang nakakatakot na lalaking napanaginipan ko.

Wala siya rito.

Dulot ng matinding pangamba, kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at itinutok ito sa bawat sulok ng apartment ko. Para akong nagdedeliryo habang may hawak na patalim; dilat din ang mga mata kong gising na gising.

Nang makarinig ako ng maiingay na katok mula sa pinto ay tumakbo ako papunta ro'n at itinutok sa taong kumakatok ang hawak kong kutsilyo.

"Evangeline!" singhal sa'kin ni Aling Bebang. Nabitiwan niya ang mga hawak na rekados. "Papatayin mo ba akong bata ka?!"

"Aling Bebang!" mabilis kong binitawan ang hawak na patalim, "Pasensiya ka na, may nakapasok kasing masamang-loob dito kagabi kaya nag-iingat lang ako." Palusot ko pa.

"Ikaw lang ang bukod-tanging nagpapasama ng loob ko sa lugar na 'to!" angil niya sabay inayos ang sarili. "This week, may bagong tenant na lilipat dito. E, tutal hindi ka marunong magbayad nang maayos, naisip kong magkahati na lang kayo rito sa kuwarto at malaki-laki naman 'to."

"Ho? E parang wala naman sa kontrata 'yon. Pano na lang kung masamang tao 'yon o kaya magnanakaw?" katwiran ko.

"Ano ka ba! Bawat tenant dito e hinihingan ko ng birth certificate at lahat ng detalye nila," napakamot siya sa baba. "At saka, sa ganoong paraan ay makakatipid ka sa renta kung dalawa na kayong magbabayad."

Natigilan ako. Tama nga siya. Sa ganoong paraan ay makakapag-ipon ako nang maayos. Balak ko rin kasing bumalik sa pag-aaral ng kolehiyo kung sakaling ma-figure out ko lahat ng nangyayari sa'kin.

"Sabagay..." mahina kong pakli.

Tumaas ang kilay ni Aling Bebang. "'Ta mo! Nag-iinarte ka pa kanina!" napatingin siya sa paligid, "At puwede bang huwag kang mag-ingay t'wing gabi? Kagabi lang e nagreklamo itong katabi mong kuwarto dahil sigaw ka raw nang sigaw."

"D-Dahil 'yon sa masamang panaginip. Pasensiya na kamo," sambit ko.

Pinandilatan niya ako. Parang 'di pa siya naniniwala sa sinabi ko. "Ayusin mo ang pakikisama mo sa bagong tenant dito, ha! Kapag ikaw talaga..."

"Tungkol po pala ro'n, kailan ba siya lilipat---"

Sinarhan na niya ako ng pinto kaya napaatras na lang ako sa gulat. Napasandal ako ro'n at napapikit na lang.

"Aray!" palahaw ko nang maramdaman ang pambihirang sakit sa aking leeg. Napahawak ako ro'n at mabilis akong tumakbo sa harapan ng salamin. Shit, may sugat ako sa leeg at nagdurugo ito!

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon