Kabanata 22

535 41 9
                                    

Author's note: HINDI EDITED ang chapter na ito. Sorry po agad sa ma-e-encounter n'yong errors. Gusto ko lang talagang mag-update bago ako umuwi ng probinsya. Enjoy!

▪︎▪︎▪︎▪︎

Rafael Leonel Valiente


MAHAHABOL KO sana agad si Evangeline kung hindi lang umatake ang pambihirang pananakit ng ulo ko.

Wala akong magawa kun'di ang titigan ang tumatakbong kabayo ni Lucero sakay si Evangeline sa gitna ng bumubuhos na ulan. Napasabunot na lang ako sa sarili at pilit na nilabanan ang pananakit ng aking sentido.

Basang-basa ang buong katawan ko noong bumalik ako sa loob ng simbahan dahil nais kong makita kung bakit biglang tumunog lahat ng kampana kanina.

Sa loob, nagkakagulo ang lahat at halos matabunan ng mga bulungan nila ang malakas na pagbuhos ng ulan. Lahat ng mata ay nasa akin ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Halos nakatayo na ang lahat ng panauhin na dumalo sa kasalan na hindi malaman kung ano na ang nangyayari. Samantala, nakita ko si Cristina na humahangos na tumakbo papunta sa akin, nakaalis na ang belong suot niya kaya kitang-kita ko ang namumula niyang mata.

"R-Rafael, ano'ng nangyari?" Hinawakan niya ako sa pulsuhan. "Bakit nagkagano'n si Ginoong Lucero? Ano ang gagawin niya kay Evangeline?"

Napayuko na lamang ako. "Hindi ko rin alam, Cristina. Kailangan ko nang umalis para makita ko siya."

Natutop niya ang sariling bibig. Umiling-iling siya kaya lalong tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Kasalanan ko ang lahat," aniya, "Marahil ay nalaman ni Ginoong Lucero na inamin ko kay Evangeline na may nangyari sa amin kaya siya ang napagbalingan ng galit ng iyong kapatid."

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Tama nga ang hinala ko noong gabing nagtungo ako sa mansiyon para humingi ng dispensa kay Lucero.

"K-Kinamumuhian mo siguro ako ngayon, Leonel. Hindi na dapat natuloy ang kasalan na ito, hindi na dapat ako umuwi ng Pilipinas--"

Idinantay ko ang kamay ko sa kanang balikat niya. "Wala kang kasalanan, Cristina. Hahanapin ko si Lucero, at sisiguraduhin ko na pananagutan niya kung anuman ang namagitan sa inyo noong gabing 'yon." Halos bulong na lang ang boses ko nang sabihin ko 'yon sapagkat ayaw ko siyang ipahiya sa maraming tao.

"Baka mapaano si Evangeline..wala siyang kasalanan sa lahat ng 'to at hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na--"

Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. "Hayaan mong ayusin ko ang lahat, Tina. Kahit lumipas na ang sa atin, hindi kita magagawang pabayaan."

Nakita ko ang kaginhawaan sa mga mata niya, ngunit dagli iyong nawala noong marinig ko ang isang tinig na umalingawngaw sa loob ng simbahan.

"VALIENTE!" lahat ng mata ay na kay Don Giovanno na patungo sa amin ngayon, "Anong kabastusan ang nangyari sa kasal ng aking anak?!"

"Ama--"

"Don Giovanno, marahil ay maraming pinagdaraanan si Lucero ngayon kung kaya't wala siya sa tamang kalagayan ng pag-iisip--"

"Sa inyong dalawa, si Lucero ang pinapaboran ko dahil alam ko na respetado at tapat siya sa kaniyang tungkulin. Pero ngayon, unti-unti kong nakikita na wala kayong pinagkaibang dalawa. Hindi n'yo na binigyan respeto ang yumao ninyong ama, wala kayong iniambag sa bayan na 'to kun'di kahihiyan!"

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon