Kabanata 12

677 49 26
                                    

not edited.

︎▪︎▪︎▪︎

Evangeline Laverde

"Evangeline?"

Unti-unting kong idinilat ang mga mata ko, expecting na magigising na ako sa totoong buhay ko.

Pero hindi.

Una kong nakita ang kisame na gawa sa pawid at sunod ko namang naramdaman ang sariwang simoy ng hangin.

"Evangeline?" saka ko lang ulit narinig ang tinig na paulit-ulit tumatawag sa pangalan ko habang marahang kinakatok ang pinto.

Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Rafael na mas maliwanag pa sa araw ang ngiti sa labi. Kapansin-pansin ang unipormeng suot niya kaya naging pormal na pormal ang kaniyang hitsura. Papasok yata siya sa trabaho ngayon.

"Magandang umaga!" pagbati niya, "Heto, binilhan kita ng pancit para sa iyong agahan." Iniabot niya sa'kin ang pancit na nakalagay na sa babasaging mangkok.

Sa unang pagkakataon, hindi ko magawang suklian ang ngiti niya. 'Di ko siya matignan nang diretso sa mata lalo na't may nalalaman ako tungkol sa kaniya.

"Salamat," tipid kong sinabi at kinuha na ang hawak niyang mangkok. "Dapat 'di ka na nag-abala."

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. "Ano'ng problema?" nag-aalala niyang tanong. "Sabihin mo na sa akin bago ako pumasok sa trabaho."

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang narinig ko kagabi? Thinking na hindi ito magandang pagkakataon, umiling ako.

"Walang problema, Paeng." Usal ko. "Mag-iingat ka."

Napahalukipkip siya at napasandal sa may pinto. Tinitigan niya ako sa paraang binabasa niya kung ano ba ang rason sa malikot at mailap kong mata.

"Hindi ako naniniwala," halos mapairap ako sa tugon niya. Gano'n ba kahalata ang pagkabalisa ko? Napatingin siya sa orasan at napa-iling. "Mag-usap tayo pag-uwi ko."

Sinara na niya ang pinto at humugot ako ng malalim na paghinga. This is getting worst. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng utak ko ang mga nangyayari rito at lalo na sa akin.






KAKABA-KABA AKONG kumatok sa pinto ni Lucero sa labas ng kaniyang silid. Naisipan ko kasing kumustahin ang kalagayan niya dahil sa nangyari kahapon.

"Sino 'yan?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malaki niyang boses mula sa loob.

"Um, si Evangeline." Sagot ko.

Lumipas ang ilang segundo pero hindi ko na siya narinig na sumagot kaya naman kusang binuksan ko ang pinto at naabutan ko siyang nagbabasa ng libro.

Inangat niya ang tingin nang mapansin na pumasok ako nang walang paalam. "Pinapasok ba kita?" angil niya.

"Gusto lang kita kumustahin," sagot ko. "Heto, dinalhan kita ng gatas at tinapay. Pang-almusal mo sana."

Kahit nangangatal ang buong katawan ko ay inilagay ko sa lamesita sa gilid ng kama niya ang gatas at tinapay na ako mismo ang gumawa at bumili.

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon