Kabanata 11

627 49 14
                                    

Hindi po edited ang kabanatang ito kaya sorry agad sa minor typographical errors. Enjoy!

••••

Rafael Leonel Valiente

HINDI KO na alam ang gagawin sa babaeng iyon.

Pagkagising ko kaninang umaga, bigla na lang siyang nawala sa kaniyang silid. Hindi kami magkanda-ugaga ni Vicentio sa kakahanap sa kaniya at halos suyurin ko na ang buong bayan ng De la Vega.

"Amigo, baka naman nakipagtanan na ang kaibigan mo na 'yon," bungad ni Vicentio nang maabutan niya ako sa silid na nakakunot ang noo habang nakatitig sa dingding.

"Hibang ka ba? Ngayon lang siya nakarating sa bayang ito. Imposibleng magkaro'n ng nobyo 'yon maliban na lang kung ligawan mo." Iritado kong tugon sa kaniya.

"Balak ko nga sana ligawan, ngunit may problema," sagot niya.

"Ano?"

"Baka manibugho ang iyong damdamin," natawa pa ang kaibigan kong ito.

"Oh por favor, 'wag mo akong pag-isipan sa ganiyang paraan," sabad ko. "Mabuting tao lang si Evangeline kaya tinutulungan ko siya. Sadyang marumi lang ang iyong isipan."

"Sinasabi mo ba na maaari ko siyang ligawan?" tumaas-baba pa ang kilay ng loko.

"Kailan ka ba nagpapigil sa nais mo?" napailing ako. "Basta, oras na mahanap ko siya ay uuwi kami ng San Marquina. Kung nais mo siyang ligawan, bumiyahe ka araw-araw patungo sa aming bayan."

"Aba't binakuran na nga!" bulalas ni Vicentio na napahawak sa isang silya. "Masusunod, señor." Yumukod ito at itinapat ang sumbrero sa dibdib.

Inalok niya ako ng isang basong alak at tinapik-tapik sa balikat. "Uminom ka na muna, Paeng, nang maibsan naman 'yang pag-aalala mo."

"Hindi ako nag-aalala," pagtanggi ko.

Tinuro niya ako. "E ano iyan? Alas-singko pa lang ng umaga ay ginigising mo na ako't pinipilit na hanapin si Evangeline. At heto ka ngayon, nakakulong sa silid na 'to na tila isang romantikong sumuko na sa paghahanap ng pag-ibig."

Ininom ko na lang ang inalok niyang alkohol at napangiwi na lang ako sa lasa nito. "Mierda! Ano ba iyang alak mo? Lambanog na may halong lason? Parang papatay!" reklamo ko.

Binawi niya ang baso animo'y nagtampo. "Dukha ka kasi. Dapat sa'yo, gatas na lang ang iniinom," tinalikuran na niya ako. "Balang araw, ipapanganak ang isang kalahi ninyo na manginginom. At 'pag nagkataon, palagi kaming iinom na dalawa." Dagdag pa niya.

Nagtungo na lang ako sa likod ng mansiyon kung saan may ilog at magandang tanawin. Naupo ako sa may lupa at isinayaw ng hangin ang aking buhok.

"Rafael?" nagitla ako sa boses na iyon. Nilingon ko kung saan iyon nagmula.

Si Evangeline?

Siya nga. Nagkasalubong ang kilay ko at tinalikuran siya upang pagmasdan na lang ulit ang magandang tanawin.

Narinig ko ang maliliit niyang yabag papalapit sa'kin. Naupo siya sa tabi ko. Nagpanggap na lamang ako na hindi ko siya nakikita.

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon