Kabanata 27

546 39 20
                                    

not edited. expect minor typographical/grammatical errors


•••

Evangeline Aurelia Laverde

"Lucero?!"

Parang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan nang makita ko ang mga mata niyang nakatitig sa'kin ngayon.

Walang pagdadalawang-isip niya akong binitawan kung kaya't napaupo ako sa sahig at nauntog pa ang noo ko kung saan.

Napatingin ako sa likod ko. Wala na si Samuel, at teka, bakit nasa palikuran ako?

"Anong..paanong.." napakamot ako sa ulo ko saka, napatayo. Pinagpagan ko ang damit ko na naging saya na lang bigla bago ko hinarap si Lucero na matalim ang tingin sa'kin.

"Patay na ba ako?" tanong ko sa kaniya. "Kung patay na 'ko, nasa impyerno na siguro ako..."

"Paano mo nasabing nasa impyerno ka?" usisa niya.

"Dahil nasa harapan ko si Satanas," hinawi ko siya sa braso para gumilid ito. "Ano'ng ginagawa ko sa loob ng banyo?"

"Bakit mo itinatanong sa'kin ang bagay na yaon? Narinig ko na lang na may kumakalampag sa pinto ng palikuran kaya nagtungo ako rito." Paliwanag niya.

"W-Wala kang nakita na kasama ko?" kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Teka nga, ano'ng ginagawa ko sa silid mo?"

Napakurap siya nang ilang beses. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi naman siguro.

"Kung ano man 'yang tumatakbo sa isipan mo, mahibang ka naman." Puna niya. Inirapan ko na lang siya.

Nilagpasan ko siya. Napalinga ako sa paligid. Nasa silid nga niya ako.

"Kagabi ka pa hinahanap ni Rafael," aniya.

Napalingon ako sa kaniya. "Nasaan siya ngayon?"

"Hindi ko batid," matipid niyang sagot.

Nagpamaywang ako. "Nai-i-stress na talaga ako sa mga nangyayari," napailing-iling ako sa sarili. "I'm not sure kung nasaang realidad na ba ako. Parang daig ko pa ang nakasinghot ng droga."

Nakatingin lang sa'kin si Lucero habang naka-focus ako sa hinanaing ko. "Noong una, nasa panaginip lang kayo. Tapos...tapos ngayon, parang nangyayari din ang ilang pangyayari dito sa totoong buhay ko..."

Dumiretso na ako sa may pinto dahil hindi ko makayanan ang presensiya ng taong kasama ko. Noong bubuksan ko na ito, laking gulat ko dahil ayaw no'n magbukas

Pinihit ko nang pinihit ang doorknob pero ayaw bumukas ng pinto. Nagmumukha tuloy akong tanga sa harap ni Lucero.

Narinig ko ang mahinang yabag ng paa niya hanggang sa naramdaman ko na siya sa likuran ko. Bubuksan sana niya 'yong pinto pero iniharang ko ang katawan ko roon.

"Ako na," singhal ko. "Baka isumbat mo pa sa'kin 'to."

"Tumabi ka riyan," mariin niyang sinabi.

"Ako na sabi!" hindi ko namalayan na naitulak ko siya. Nakuha naman niya ang atensiyon ko noong makita ko na natahimik siya. Noong mas lalo ko siyang tinitigan, napansin ko ang nagdurugo niyang pulsuhan.

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon