Kabanata 6

615 41 5
                                    

Rafael Leonel Valiente

"Kailan ba siya babalik?" Tanong ko kay Alonzo, ang heneral ng bayang ito. "Ilang buwan na niyang hindi tinutugunan ang aking mga liham."

Sumenyas siya na maupo ako sa silyang katapat ng mesa niya at tumalima naman ako. Sinindihan niya ang isang sigarilyo at sinimulan nang hithitin iyon.

"Paeng, talaga bang nasa kapatid ko ang katapatan mo?" Usisa nito. "Ni hindi ko maramdaman ang presensiya mo bilang kapitan ng bayang ito."

"Batid mo naman na hindi iyon ang nais ko," sagot ko, "Para namang hindi mo ako kaibigan."

"Bakit ka ba naman kasi pumayag na iluklok ka bilang opisyales ng San Marquina?"

"Alam mo namang malaki ang utang na loob ko sa yumao kong ama," tugon ko. "At ayaw ko namang sirain ang pangako kong magiging isang mabuti akong kapitan sa bayang ito."

"Matagal nang wala si Don Eugenio, Paeng. Sa aking palagay ay marapat mo nang gawin ang iyong ninanais."

"Ang nais ko lang ngayon ay ang makita si Cristina," napatayo ako at tinignan siya. "Batid mo naman na plano kong ikasal kami sa susunod na taon, hindi ba? Tulugan mo 'ko, Alonzo, ikaw na lang ang maaasahan ko rito." Pakiusap ko

"Makakarating ang mga sinabi mo, amigo." Pakli nito. "Sa ngayon, may mga trabaho akong kailangan asikasuhin. Hindi biro ang maging isang anak ng gobernadorcillo, akala mo."

Tinapik ko siya ng dalawang beses sa balikat. "Maraming salamat, kapatid." Nginitian ko siya. "Ako na ang tatapos sa mga papeles na iyan kinabukasan. Hayaan mong bumawi ako para sa kabutihan mo."

Tinapik ni Alonzo ang kamay kong nakadantay sa balikat niya at saka tumango nang dalawang beses.

"Wala iyon," aniya, "Ayusin mo ang buhay mo, Paeng. Huwag kang tutulad sa kapatid mong hambog."

Matapos ng pag-uusap namin ni Alonzo ay nagtungo ako sa pamilihan ng baro para kay Evangeline. Halos dalawang araw na niya kasing suot 'yung saya niya at baka wala talaga siyang pambili.

Madali lang ang mamili ng kasuotan para sa kaniya dahil halos parehas lang sila ng pangangatawan ni Cristina. Siguro ay pang-dalawang linggo na ang mga nabili ko para sa kaniya.

Cristina---ang kaisa-isang babaeng nilalaman ng puso ko. Dalawang taon na mula nang huli kaming magkita dahil kinakailangan niyang magtungo sa Espanya alinsunod sa kaniyang ama na siyang gobernadorcillo ng bayang ito.

Nangako kami sa isa't-isa na magpapadala kami ng liham kahit limang beses lang sa isang buwan. At nasunod naman ang usapan namin, ayon nga lang, nitong mga nakaraan ay tila naglalaho siya.

Hindi ko rin siya masisisi sapagkat hindi naman boto sa'kin ang kaniyang mga magulang. Ang nais nila para kay Cristina ay si Lucero ngunit kailanman ay hindi naging interesado ang kapatid ko sa larangan ng romansa at pag-ibig.

"Kapitan, ipinapatawag ka ng iyong kapatid," halos hindi ko napansin ang paglapit ng isa sa tauhan ko, si Tenyente Ruelos.

"Ano na naman ang kailangan niya?" Tanong ko sa kaniya. Napansin ko na balisa rin siya. "At bakit tila sumabak ka sa giyera, Ruelos? Ikaw ba ay nakain na? May malapit na kainan dito, kung iyong mamarapatin."

Napahimas siya sa tiyan at batid ko na nais niyang tanggapin ang paanyaya ko. "Nakakatukso ang inyong alok ngunit hindi ko ho matatanggap 'yan gayong mainit na naman ang ulo ni Koronel Lucero." Dismayado niyang sinabi.

"Sa anong dahilan?" Napailing ako, "A, pabayaan mo na, kapatid. Ako na ang bahala. Naglabas ako ng ilang barya at binigay iyon sa kaniya. "O heto, kaunting tulong para sa danyos na ibinigay sa'yo ni Lucero ngayong gabi."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon