Kabanata 4

792 46 10
                                    

Paalala: Ang kabanatang ito ay maglalaman ng ilang eksena tungkol sa mental health, self-harm at depression. Kung ito po ay maaaring makapagpa-trigger sa inyo, paki-laktawan na lang po ang kabanatang ito. Kung kayo po ay nakakaranas nito, puwede n'yo pong tawagan ang hotline na nasa ibaba:

 Kung kayo po ay nakakaranas nito, puwede n'yo pong tawagan ang hotline na nasa ibaba:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ctto: ABS-CBN

Kung gusto niyo naman ng makakausap, puwede n'yo akong i-message rito sa wattpad. I am no professional but I will do my best para pagaanin ang loob ninyo. Mag-iingat kayo palagi at aalagaan ang sarili.

•••••

Saka ko napagtanto na sa tent ako nakatulog kagabi. Pero, paano?

"Zy," pagtawag ko sa kaibigan ko, "Dito ba ako sa tent natulog kagabi?"

Inabutan niya ako ng bottled water bago sumagot. "I guess? Sobrang nalasing ako kagabi, Ev. At sure naman ako na dito ka natulog sa tent, kaya ka nga nandito ngayon. Duh?"

Napatango ako nang ilang beses at uminom ng tubig. Tanaw na tanaw ko na sa labas ng tent ang napakagandang dagat. Napansin ko na lumayo ang tubig kaysa kagabi. Lowtide yata.

"Bumangon ka na riyan at sayang ang araw. Hindi ka naman nalasing pero grabeng haba ng tulog mo." Tinapik niya ako sa balikat. "Pero, mabuti na 'yon, 'di ba? Atleast, hindi ka na-insomnia kagabi."

She's right. Kahit papano ay nakatulog nga talaga ako nang maayos kagabi. So it means na nananaginip na akong noong napunta ako sa Spanish-themed restaurant.

Niyaya na ako ni Zyra na magpalit ng panligo dahil nagtatampisaw na ang ilan kong ka-trabaho sa beach. Mukhang na-miss ko ang masarap na agahan dahil halos lahat ay nakakain na. Napasarap talaga ako ng tulog.

Nauna nang maligo si Zyra at masaya silang nagbobonding ni Manny sa 'di kalayuan. Samantalang ako ay lumabas na lang ng tent at parang matandang nagpameywang habang pinagmamasdan ang dagat.

"Na-late ka yata ng gising," napalingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko. "You missed breakfast."

"Medyo masarap naman ang tulog ko kagabi," sagot ko. "Maganda pala ang nakakainom ng alak, nakakatulog ako nang maayos."

Napansin ko ang kinakain niyang tinapay. Mukhang enjoy na enjoy siya roon. "Kain," pagyaya niya bigla. "Baka may hangover ka pa niyan."

"Mamaya na lang siguro," matipid kong sagot. "Thank you sa pag-alok."

Naupo ako sa buhangin at napatingala kay Samuel na nanatiling nakatayo habang nakatingin sa malayo. Niyaya ko siyang tumabi sa akin at ginawa naman niya iyon.

"I just had this weird dream," sa unang pagkakataon ay ako ang nagsimula ng pag-uusapan naming dalawa. "Napunta ako sa isang lugar na hindi ko alam. Then, everything felt real..."

"Lahat naman siguro ng panaginip natin ay 'weird' at parang makatotohanan," tugon ni Samuel. "You've mentioned na mayroon kang insomnia, 'di ba?"

Tumango ako. "But last night...himalang nakatulog ako."

Amor Prohibido (Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon