Epilogue

8.6K 537 132
                                    


"Ma'am andito na po tayo," gising sa akin ni Manong Mario.

Nakatulog ako nang nakatungo. Pagmulat ko ay una kong nakita ang engangement at wedding rings ko sa aking daliri. Unti-unting nawala ang antok ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na nga kami ng restaurant ng aking asawa. Sabik akong bumaba ng sasakyan.

Papasok pa lang ako sa restaurant ay natanaw ko na ang espesyal naming bisita. It's Camilla and her two children. Karga-karga ni Dustin ang babaeng bunso nito habang ang panganay naman ay palakad-lakad lang sa paligid.

"Hi Deany!" excited na kaway ni Camilla kahit nasa labas pa ako.

"Hi!" masayang kaway ko rin.

Tumigil ako sa pagmamadali nang may dumating na kotse. Bumaba agad ang mga sakay nito.

"Oh Madeline huwag kang tatakbo!" sita ni Janelle.

Napangiti agad ako pagkarinig sa napakagandang pangalan. I gave her that name. Right after I learned I was pregnant, yun agad ang unang pangalang pumasok sa aking isipan for no reason at all.

"Hi mommy!" She didn't listen to her aunt. Patakbo pa rin siyang lumapit sa akin at yumakap sa aking hita. Kinarga ko ang batang kamukhang-kamukha ng tatay niya sa kabila ng pinagdaanan kong hirap sa pagbubuntis at pag-ere. She got this curly hair, round eyes and chubby cheeks. She's turning four soon at pinag-aaral na namin ng nursery. Pinakiusapan ko si Janelle na sunduin muna dahil nakaday-off ang yaya.

"Let's get inside. We have visitors," masayang sabi ko.

Pagpasok namin at pagkakita sa Daddy niya ay agad na nagpababa para tumakbo sa kanyang tatay. Ibinaba ni Dustin ang anak ni Camilla dahil alam niyang magpapakarga rin ang kanyang anak.

Dustin gave me a quick kiss on the lips. "How's your meeting Hon?" he asked.

"I closed the deal," masayang sabi ko.

Camilla hugged me and introduced her two cute children. Her eldest is three years old and the youngest is one and a half. She married a pure Italian guy kaya naman hindi na gaanong bakas sa hitsura ng mga anak niya ang dugong Pilipino.

"It's nice to see you again Camilla. Your children are lovely," nagagalak na wika ko.

"I'm happy to see your lovely family too. Finally after how many years nakabisita din ako ulit ng Pilipinas," she remarked.

"Sana sa susunod na bisita mo kasama mo na ang asawa mo," wika ni Dustin.

"Sana nga. Hindi niya kasi maiwanan ang restaurant namin sa Milan." She married a chef too. "By the way, congratulations to both of you. You have five branches of Osteria Romana in the city and i heard they're all doing well.

"Thanks to my wife. She's really good at handling business," wika ni Dustin.

"It's thanks to you hon. Ikaw ang may masasarap na recipes," tugon ko. 

We chatted over coffee. We have the whole restaurant to ourselves dahil nakareserve ito para sa debut celebration later. The whole crew are busy for the preparation. Ang mga bata naman namin ay naglalaro na habang binabantayan ni Janelle. 

Nagkumustahan kami. Ikinuwento ni Camilla ang naging buhay niya nang bumaik siya ng Italya. We shared our married life too and how we expanded our restaurant business. Pagkatapos ng mahigit isang oras naming pagkukuwentuhan ay nagpaalam na siya dahil mamayang gabi na rin ang flight nila pauwi ng Italy.

Pagkaalis nila ay tinawag ko si Janelle. I gave her the postcard sent by Ethan from Australia. Kapag nagpapadala sa akin ng postcard si Ethan kadalasan ay may kasama ring postcard para kay Janelle.

"He said he's enjoying his stay in Australia and he's doing well on his studies," wika ko.

My niece sighed. "Ano pang sabi Tita? Itodo mo na para di na ako magbasa. 'Apaka spoiler mo talaga," ngiwi nito.

"Naku ikaw talaga kahit kelan di ka na nagmature!" gigil na sagot ko. 

Lumapit ako kay Dustin na abala sa pagtingin ng mga ginawa ng anak niya sa school habang kalong-kalong ang bata. 

"Mommy look I've got plenty of stars today!" masayang sabi ni Madeline.

I checked her works with wide smile. "Wow my little girl is a very bright girl. Manang-mana ka talaga sa mommy! Mommy is so proud of you!" pisil ko sa pisngi niya.

"Hey, I'm bright too," protesta ng tatay.

Sinimangutan ko siya. "Pagbigyan mo na ako, kamukhang-kamukha mo na nga."

He laughed.

"Mommy let's buy a storybook later."

"Okay let's drop by at the bookstore when we go home." Kinalabit ko ang aking asawa. "Hon, I'll go upstairs."

"Don't take too long. Kakasabi mo lang na dadaan tayo ng bookstore. Make sure na may maabutan pa tayong bukas."

"Yes hon. Saglit lang ako." After we got married, we bought a house in one of the exclusive subdivision in Quezon City that is more accessible to both DKM and Osteria Romana. Yung mga dati naming tinitirhan ay pinarentahan na lang namin.

Umakyat ako sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang monitoring office ng Osteria Romana. It has separate entrance from the restaurant na matatagpuan sa kanang gilid ng gusali. Naabutan ko ang walong empleyado at malugod nila akong binati. Pumasok ako sa loob ng pribadong opisina namin ni Dustin. Naupo ako sa desk and checked my DKM emails first. Matapos kong sagutin ang mga importanteng emails ay pinag-aralan ko naman ang sales record ng bawat branch ng aming restaurant. 

Nang mangalay ang leeg ko ay nanghingi ako ng kape sa staff. Naglakad-lakad ako sa opisina habang nagkakape. Tiningnan ko ang mga nakasabit na larawan sa dingding. They are all family photos. Pangalawang tahanan na namin ang aming mga opisina kaya naman may mga bagay na matatagpuan dito na mahahalaga sa amin. 

Huminto ako nang matapat sa nakasabit na wedding picture namin. The frame wasn't that big para hindi naman magmukhang living room namin itong opisina. Below the picture is a console table. May nakapatong dito na vase na may nakalagay na sariwang mga rosas. Beside the flowers is a blue locked journal. I put down the cup I'm holding. Kinuha ko ang journal and unlocked it. 

May ngiting binuklat ko ang pahina ng paborito kong parte at nagbasa nang tahimik. What's written in the journal are the dreams that I'd forgotten. My husband wrote it for me. Sabi niya natatandaan niya lahat  ng detalye dahil madalas kong ikuwento yun sa kanya noon. I'm always entertain every time I read it.  It's like my younger days had been rewritten. I became bolder, funnier and brighter. I love reading this version of myself but of course I will not choose it over the real me. I will always be grateful and contented for who I was and who I am now.

Tumigil ako sa pagbabasa nang biglang pumasok si Madeline. "Mommy let's go home!"

Sumunod sa kanya si Dustin. "Hon sabi mo madali ka lang. Kanina pa naiinip tong anak mo."

"Okay, let's go home," ngiti ko.

My husband stood beside me and wrapped his arm around my waist. "You're reading it again."

"Hmm..." I nodded with smile.

I closed the journal and locked it again. Dustin was glad that I really let go of those dreams pero sa bandang huli ay napagtanto niyang dapat ko pa ring malaman kung ano ang laman ng mga panaginip ko. They're just dreams yet he believes that they will forever remain as a part of our beautiful love story.


                                                                      -The End-


                                                 -

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon