12-My Loyal Heart

9.6K 593 98
                                    


Nagising ako sa ingay ng alarm clock. It wasn't the musical alarm that I heard daily in our house. Regular na alarm lamang ang tunog nito. I was still too sleepy but the clock wouldn't stop. Pupungas-pungas na pinatay ko ang maingay na orasang nasa tabi lamang ng aking higaan. The time was 8 in the morning.

Bumangon ako. Nag-inat ng kamay at humikab nang malaki. Bigla akong natigilan sa kalagitnaan ng aking pahihikab. Napansin ko ang paligid. I was in a different room. Different yet familiar one. Maliit na kuwartong pang-isang tao lamang na may pinturang kulay aprikot. Bawat gilid ng dinging ay may nakakabit na istante. Una ay para sa mga libro, pangalawa ay para sa mga gamit ko at pangatlo ay para sa mga nakaimbak na grocery. May isang study table na puno ng mga nakabukas na textbooks at notebooks. Buhay pa ang ilaw ng lampshade sa ibabaw nito na mukhang nakatulugan na. Nagkalat din ang mga papel na puro mathematics formulas ang nakasulat.

Tuluyan ko na ngang iniwan ang high school. I was already in my boarding house during college.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Maiksi ang aking buhok. Lagpas tenga ang haba. In my whole college days, ni minsan hindi ako nagpahaba ng buhok. Malaking tipid kasi sa oras ng pag-aayos sa sarili lalo't laging hindi sapat ang oras ko sa pag-aaral para makahabol sa mga mahihirap na leksiyon.

Ngumiwi ako nang mapansin ang aking mukha, mayroon akong dalawang malalaking taghiyawat. Isa sa noo at isa sa pisngi. I had bad skin during those days dahil madalas akong laging kulang sa tulog. Natatawa na lamang ako sa aking repleksiyon. I slept looking fresh and young tapos paggising ko ay isa na akong haggard na nilalang.

Narinig kong may nagriring. Hinanap ko ang bagay na tumutunog at natagpuan ko yun sa ilalim ng unan. Ang regalong cellphone ni Dustin. Hindi na ito mukhang bago at may mga gasgas na rin. 'Mama Home' ang nakasulat na tumatawag.

"Hello Deany." It was really my mother. Kahit parang kahapon ko lang siya nakasama ay bigla ko agad siyang na-miss. It was hard to accept that I was no longer living with them pero wala akong magagawa dahil kasama ito sa hiwaga ng pangalawang buhay na ibinigay sa akin.

"O mama bakit?" mahinang wika ko.

Bigla siyang humagulgol ng iyak kaya nataranta at nag-alala din naman agad ako. "Deanyyyyy...."

"Ma ano pong nangyayari?" She kept crying. "Magsalita kayo tama na po ang iyak," naiiyak na rin ako sa kaba. Ano kayang masamang nangyari sa aking pamilya?

"Deany yung kapatid mong si Heaven.... nakabuntis!"

Biglang nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay merong nasaktan o naaksidente sa aming pamilya. "Ganun po ba Ma? Akala ko naman kung ano na. Hayaan niyo na. Nandiyan na yan wala na tayong magagawa. Ganyan na talaga siguro ang kapalaran niya," mahinahon nang salita ko.

"Anong hayaan na! Deanery disi-sais pa lang yang kapatid mo!" atungal niya nang mas malakas pa.

Bumuntong-hininga ako. How can I be sad when Heaven's eldest, Janelle was the first angel who made our home even brighter and happier. Deep inside my heart, ito ang isang kapalaran na kahit kailan ay hinding-hindi ko hihilinging magbago.

"Ma lilipas din yang sama ng loob mo. Alagaan niyo na lang mabuti yung nabuntis ni Heaven para maging malusog si Janelle ah este yung bata paglabas."

"Hindi ko talaga matatanggap to Deany..."

Pinakinggan ko na lamang ang mahabang litanya at paglalabas ng sama ng loob ni mama hanggang sa bigla akong may napagtanto. Nanlaki ang aking mga mata. "ANO??? SI HEAVEN NAKABUNTIS NA?!!!" sigaw ko. Agad akong nagpaalam sa telepono kay Mama. Heaven had his first born when I was in fourth year college so anong taon ako nagising?

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon