20- The Unfamiliar Home

9.7K 612 219
                                    


I sighed as I gaze the basket of flowers Dustin sent. Sa kabila nang pagpapadala niya ng bulaklak ay malungkot pa rin ako. I knew he was at my side all the time. Tinulungan at sinupurtahan niya ako hanggang sa tuluyan akong lumakas. Hindi rin siya napagod na alalayan at samahan ako sa mga therapies ko. No doubt he became my strenght kaya mabilis akong nakalakad muli. Sa loob ng isang buwan ko pang pananatili sa hospital ay lagi siyang nasa tabi ko.... Kung kaya't hindi madaling tanggapin na sa mismong araw nang paglabas ko sa hospital ay doon naman siya wala. 

"Tita huwag ka nang malungkot. May importanteng lakad lang talaga si Tito Dustin kaya hindi siya makakapunta," ani Janelle. Kasama si Manang Delia, pinagtulungan nilang buhatin ang mga natitirang gamit sa kuwarto.

"Ano bang lakad yun na mas importante pa sa pagdi-discharge ko sa hospital?" maktol ko.

"E di ba nga sabi niya may darating siyang importanteng bisita galing Italy. At kailangan niyang sunduin sa airport," paliwanag niya.

Tumahimik ako. Ang totoo'y naiintindihan ko naman talaga. Gusto ko lang siguro may masabi para maibsan kahit papaano ang bigat ng kalooban ko.

Iniwan nila ako sa kuwarto upang dalhin ang aming mga bagahe sa sasakyan. Ilang sandali pa, magkasama na sina Kuya Richard at Janelle na sumundo sa akin sa kuwarto. Kasunod din nila ang isang nurse na may dalang wheelchair. They assisted me at pinasakay sa wheelchair. When we arrived at the hospital entrance, there was a luxurious car waiting outside. Inakay ako ni Janelle. Nagdalawang-isip ako kung sa magarang sasakyan nga ako dapat sumakay. But the driver went out and gave us a respectful bow. He was a bit old maybe in his sixties.

"Welcome back po Ma'am," ngiti niya sa akin sabay bukas sa pinto ng sasakyan at minuwestra ang kamay para anyayahan kaming sumakay sa loob.

Asiwang tumugon ako ng ngiti. "S-Salamat po."

"Manong Mario kayo na ang bahala kay Deany. May dala din akong sasakyan kaya susunod na lang ako sa inyo," Kuya Richard said.

"Yes sir."

Habang nasa byahe, wala akong ginawa kundi ang tumingin sa labas. I noticed the big changes in the city. Ang dami ng nakakabit na mga billboards sa tabing kalsada at hindi lamang yun, most of them were digitals already. Napansin ko ring halos karamihan sa mga models ay mga singkit at hindi na mga Filipino.

"Who are these models Janelle? Bakit parang lahat yata ng nakikita ko sa mga billboards ay mga chinese?" usisa ko.

She laughed. "Tita they're not Chinese. They are Koreans. K-pop and K-dramas are famous nowadays all over the world lalo na dito sa Pilipinas,"she explained.

"K-pop and K-dramas?" kunot ko ng noo.

"Yan ang tawag sa Korean music at dramas ngayon."

"Ah okay. Magaganda ba talaga ang mga palabas nila?"

"Yes Tita gusto mo ipagdownload kita nang marami para di ka mabored sa bahay. Alam niyo di lang magaganda stories nila, ang guguwapo din ng mga bida. Naku baka pag nahook kayo ay makalimutan niyo na bigla si Tito Dustin," kinikilig pag sabi niya.

"Lumalandi ka na ba? Kung kiligin ka parang alam mo na ang pakiramdam ng may boyfriend ah," may pagkaistriktang sabi ko.

Umiling siya sabay pormal ng hitsura. "Hindi po ah! Sa mga drama lang naman ako kinikilig," mariing tanggi niya.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon