21-Her Workplace

9.3K 627 75
                                    

Another two weeks had passed. My number of steps moved up to four thousands a day. My once a week therapy reduced from six hours to four hours. Everything about my conditions improved... except for my memory. Wala pa rin itong pinagbago. Wala kahit man lamang paisa-isang bagay na bumabalik sa aking alaala.

Dr. Medrano had still hard time pointing out my brain problem. Ilang beses na rin akong kinunan ulit ng MRI pero laging normal pa rin ang lumalabas. "Siguro panahon na para subukan naman natin ang ibang istilo para mas magising ang concious part ng isipan mo," napapailing na wika ni Dr. Medrano.

"Papaano pong gagawin natin?" I asked helplessly. He was one of the best neurologists in the country but why was I not improving under his care? Sabi niya sa akin nung una ay posibleng sa loob lamang ng isang buwan ay bumalik na sa normal ang memorya ko. Pero kahit pahapyaw man lang na mga alaala ay wala ni isa mang bumabalik.

"I think it's time to feed you with facts little by little. And also, instead of staying only at your house, you must try visiting places na madalas mong pinupuntahan lagi."

"How can I go to those places when I don't even remember kung saan-saan ba ako madalas nagpupunta?" I said impatiently.

"Ask the people who knows you. And also ask them about your hobbies. Subukan mong gawin yung mga bagay na madalas mong gawin dati baka sakaling makatulong yun para unti-unti kang may maalala."

"Sana doc mag-work na this time. Gustung-gusto ko na po talagang gumaling."

He sighed. "Let's be positive. Or maybe we can hope for miracle since your situation seems like something that can't be explained by medicine anymore."

"Doc do you believe in miracles?" taka ko. I didn't expect I would hear that kind of comment from a doctor like him.

"Well I believe in God so yes, maybe I believe in miracles too. Having faith in God and medicine at same time can sometimes heal a patient faster."

Napaisip tuloy ako kung dapat na din bang kumunsulta na rin ako sa faith healer.

My session ended in an hour. Paglabas ko ng clinic ni Dr. Medrano sinalubong agad ako ni Manang Delia. Everyone was busy kaya siya na lamang ang nakasama kong pumunta sa hospital. Janelle had a class, Kuya Richard had work and Dustin's restaurant was exclusively booked for an special event.

"Manang Delia totoo po bang apat na taon ko na kayong kasama sa bahay?" tanong ko habang nasa byahe na kami pauwi.

"Opo Ma'am."

"Kung ganon siguro ho ay kilalang-kilala niyo na ako," maamong sabi ko.

"Parang ganun na po Ma'am. Sa totoo lang po, ako po yung pinakamatagal niyo ng nakasama sa bahay. Si Janelle nga po, ngayong taon din lang tumira diyan, nung lumipat siya sa UST mula probinsiya." She was forty eight already and a lot older than me. Kahit medyo nakakailang na masyado silang magalang sa akin ay unti-unti ko na ring nakasanayan. I already told them hundred times to talk casually to me pero hindi pa rin nila ginagawa.

"Manang ano po ba ang napansin niyong madalas kung gawin sa mga panahong nakasama ko kayo?"

Ilang sandaling nag-isip ang aking kausap. Tila nahirapan siyang maghanap ng isasagot. Nagduda tuloy ako kung totoo ngang nakasama ko na siya nang matagal.

"Eh ma'am wala naman po kayong ginagawa madalas kundi ang magtrabaho," medyo atubiling sagot niya.

Natawa ako. "Manang naman siyempre kahit papaano ay may iba rin naman akong pinagkakaabalahan," di maniwalang sagot ko.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon