29-Magic Inside Us

12K 731 244
                                    


Pasado alas dose na nang dumating kami ni Manong Mario sa bahay. After the dinner, hinatid ako ni Chad pabalik ng DKM. Kahit medyo late na ay tinapos ko pa rin ang nakatenggang mga trabaho.

"Manong magpahinga na kayo. Bukas kahit tanghaliin na tayo," sabi ko sa driver bago bumaba sa garahe.

"Opo Ma'am. Kayo rin magpahinga na nang mabuti. Mukhang masyado niyo na agad pinapagod ang sarili niyo. Sunud-sunod na naman ang pago-overtime niyo."

"Huwag kayong mag-alala Manong Mario. Kayang-kaya ko na ang sarili ko."

Pagpasok ko ay nasa sala pa rin sina Manang Juanita at Janelle. Nanonood na naman ng drama ang pamangkin ko at mukhang pati si manang ay naimpluwensiyahan na rin. Tumayo agad ang aking kasambahay samantalang ang kasama niya ay abalang nagpapahid ng tissue sa mga mata habang tutok na tutok sa TV.

"Ma'am ipaghahanda ko na po kayong pagkain."

"Huwag na. Nag-dinner na ako sa labas."

"Talaga Tita?! Sinong kasama mo?" Himala nakikinig din pala siya.

"A client."

Naglaho agad ang kanyang ngiti sabay napangiwi. "Akala ko naman nakipagdate ka na ulit kay Tito-"

"Hoy Janelle! Anong oras na may pasok ka pa bukas. Ikaw imbes na pag-aaral ang inaatupag mo. Diyan ka sa mga drama nagpupuyat. Ba't di mo gayahin si Ethan laging masigasig sa pag-aaral niya. He showed me his grades earlier at lahat yun matataas."

She pouted. "Tapos na naman ang mga assignments ko bago ako manood. Bakit ba lagi niyo na lang akong kinukumpara sa Ethan na yun? Hindi rin naman pangit mga grades ko ah," maktol niya sabay takip ng throw pillow sa mga hita.

"Because I know you are as capable as him. Matalino ka rin naman at kaya pang tumaas ng mga grades mo kung gugustuhin mo. Kaya lang di nangyayari yun dahil ang dami-daming sagabal diyan sa utak mo. Unang-una na diyan ang mga dramang yan, sunod ang facebook tapos nagwawattpad ka pa bago matulog!"

Nagpoprotestang tumayo siya. "Tita pag ba matalino ay wala ka nang pwedeng ibang gawin sa buhay mo kundi mag-aral at maging magaling? Di na po ba ako pwedeng maging masaya sa ibang bagay? Wala na ba akong karapatang humanga sa mga gwapong Koreano? Hindi na ba ako pwedeng kiligin sa mga love stories sa wattpad at bawal na ba akong makipagconnect sa mga kakilala ko sa facebook?Tao pa rin ako Tita. May pusong pinapaandar at hindi puro isip lang! Hindi kagaya- "

"Kagaya nino? Kagaya ko?" nakataas ang kilay na pagtuloy ko sa sinasabi niya.

Natigilan siya sa pagsasalita at napaawang nang ilang sandali ang bibig.  "H-Hindi po ha... Ano po kagaya ni ano... ni Ethan! Di marunong mag-enjoy sa buhay ang taong yun kaya ganun mga grades niya!"

"Tumigil ka na diyan sa mga justifications mo Janelle. Lagi kang di nauubusan ng rason kapag pinagsasabihan ka samantalang kami nun kapag binubungangaan ng lola niyo napakaswerte nang pag nakasagot ka nang hindi napapalo. Matulog ka na!"

"Sige na nga." Pinatay niya ang TV. Mahinahon nang lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi. "Goodnight Tita." She turned her back.

"Teka lang Janelle!"

"B-Bakit po?"

"Na inlove na ba si Attorney Kwon sa secretary niya?"

Lumingon siya nang may namimilog na mga mata. Bigla na naman siyang kinilig. "Oo Tita sila na!!!"

Napangiti ako. Kahit hindi ako tumututok sa sinusubaybayan niya pero may mga pagkakataong nakukuha ng ilang eksena ang buong atensiyon ko. Excited na bumalik siya papalapit sa akin. I could see in her eyes that she had so much to tell.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon