13-The Valentines Day

10K 581 105
                                    


Walang pumapasok sa isip ko sa anumang tinuturo ng professor. Nakatitig lang ako sa sahig habang tinutusok-tusok ng ballpen ang armchair. Malaking palaisipan sa akin kung papaanong nagising ako nang magkasunod na araw after skipping three years. Naghahanap ako ng pattern sa mga araw na nagigising ako pero wala akong makita. Para bang nagraraffle lang ang ang langit kung ano ang mabunot ay yun na. The only consistent thing was waking up towards the future. 

Napalingon ako sa bintana. Karamihan sa mga estudyante ay may dalang mga bulaklak. Waking up on valentines day made me remember how I celebrated it eating instant noodles while everyone was enjoying fine dining.

Isa pa sa bumabagabag sa akin ang di inaasahang pagkikita namin ni Khael. In my previous life, we met while working on the same project. Alam kung parehas kami ng pinagtapusang unibersidad subalit hindi kami nagkaroon ng kahit konting pagkakataon na magkakilala dito. But why met him again in different circumstances? 

Napalakas ang aking pagbuntong-hininga sanhi para mapalingon sa akin ang mga kasama ko sa silid-aralan.

"Ms. Mortel are you with us?"

Tumuwid ako ng upo. "Sorry sir."

Wala naman sana akong balak pumasok but I have plenty of time to waste kaya minabuti ko na ring balikan kahit saglit ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kung paano ako nagsunog ng kilay mairaos lamang ang kahit tres na grade. Yung kumurap ka lang ay tipong may namiss ka na na leksiyon. Yung kapag matulog ka nang maaga ay kinabukasan tila napagi-iwanan ka na. Ganyan kahirap ang kurso ko sa unibersidad na aking pinasukan.

I had no choice but learn how to survive the ferocious battle of my university life. We were poor and being scholar in UP was my only opportunity to graduate in one of the top universities. Hindi ako kagaya nina Dustin na may kaya ang pamilya kaya makakapamili sila ng kahit anong magandang unibersidad na gusto nilang pasukan.

I tried to listen to the lecture. I looked at what was written on the blackboard. Napahanga ako bigla sa aking sarili kung paano ko nagawang intindihin dati ang ganoong formula na ang hitsura ay para bang pinagsama-sama lahat ng symbol na nakalagay sa keypad ng isang smart phone.

Natapos ang klase na para bang nagkaroon ako ng migraine. Nawala lamang ang sakit ng ulo ko nang mapansin sa silid sina Yanna at Adilyn. Sila yung mga kaklase ko na nakasama ko mamasyal isang summer sa Baguio. Natuwa ako na may nakita rin akong kakilala.

Babatiin ko sana sila bago lumabas ng silid pero nilampasan lang nila ako. They were both in a hurry for the next class. Saka ko napagtanto na wala nga pala akong nagtagal na kaibigan nung kolehiyo. Isang araw ay close at magkakasama kami pero pag dumaan ang isang hell week siguradong pagkatapos nun ay biglang may kanya-kanya na ulit kaming buhay.

Walang ganang lumabas ako ng classroom. I had no plan attending another class again. One was enough and I had to experience other things too. Gusto ko sanang makipagkita kay Dustin pero dahil Valentines Day siguradong may lakad sila ni Gellie. Kung makikihati pa ako sa oras niya, magcocontradict lang ako sa mga binitawan kong salita na ayusin ang pakikipagrelasyon para magtagal sila.

Payapang naglakad ako sa hallway ng Arts and Sciences Building. Pagdating sa main lobby ay nakita ko si Khael na nakatambay kasama ang mga kaibigan. Agad akong bumalik at nagbago ng pupuntahan.

Di ko pa rin malaman kung paano ko ba siya haharapin. Gusto ko siyang iwasan hanggat maari sapagkat pinapaalala niya lang sa akin kung gaano kawalang kuwenta ang first relationship ko. Sa puntong wala man lang akong mabalikang espesyal na alaala.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon