15-Those Who Matter

11.2K 597 104
                                    

My diary was gone and it meant I had to do everything completely on my own. I woke up two days after being showered with happiness. My aspiration to start waking up everyday didn't materialize. Pero kahit anong araw pa man ako magising, babangon pa rin akong may taglay na mga ngiti sa aking labi lalo't si Dustin ang unang pumapasok sa aking isipan pagmulat pa lang ng aking mga mata. Ang palitan namin ng mga texts ang nagsisilbing  gabay ko sa mga nangyayari tungkol sa aming dalawa. And on the two days that I wasn't aware of, we met a day before yesterday only. Natutuwa ako na kahit bago pa lang kami, we were disciplined enough not to submit to our desire to meet everyday.

I greeted him with a good morning text. I wasn't the rich woman anymore so calling him was an extravagance for a mere student who only depends on her scholarship allowance. Though being in my penniless past was a bit uncomfortable but not being able to do things in luxurious way gave more excitement to life.

I followed the normal routine of my college days based on the class schedule posted on the wall beside my study table. Pinasukan ko lahat ng aking klase. Since my diary was gone, I was considering the possibility that I'd stay longer in college so I had to start taking things seriously.

Ang huling klase ko ay natapos ng alas kuwatro. Nakakabuhay din ng mga brain cells kapag willing kang umintindi at matuto. At least on that day, ang dami kong mga naalalang importanteng kaalaman sa aking tunay na propesyon. It rekindled my first passion. Buhat kasi nang itinayo ko ang DKM, I became more of a businesswoman than a civil engineer.

Masaya akong lumabas sa silid aralan na matatagpuan sa mismong unang palapag ng Engineering Building. While walking in hallway,I saw Khael na nakasandal sa haligi. He was obviously waiting. Pagkakita sa akin ay ngumiti't lumapit agad. Bumuntong-hininga ako nang malalim upang pigilan ang anumang negatibong emosyong maaring sumiklab sa aking dibdib. Subalit habang nakatingin ako sa mukha niya, wala akong anumang nararamdaman. I replied him with a genuine smile. Ni minsan ay hindi ko inakalang magagawa ko uling ngitian ang mukhang nanakit sa akin. But on that moment, he became just a regular person who bear memory of a past that didn't matter anymore.

"Hi Deanery!" Wala ng hesitasyon ang pagbati niya sa akin.

"Hi Khael."

"Pasensiya ka na kung mang-iistorbo ako. Pero gusto ko sanang itanong kung kelan natin pwedeng ituloy yung dinner date natin."

Nais ko mang tuparin ang binitawan kong pangako sa kanya pero iba na ang sitwasyon ko. Inalala ko agad ang mararamdaman ni Dustin kapag ginawa ko yun. "Sorry Khael ha yung totoo kaya  sana ako makikipagkita nung valentines day sayo dahil meron lang akong gustong sabihin. Pasensiya ka na pero instead of having a dinner date pwede bang ngayon na lang kita kausapin?" maingat ang tonong sabi ko.

"Sure." Ngumiti siya pero bakas sa mga mata ang pangamba.

The hallway wasn't crowded and noisy. Iilan-ilan din lang ang dumadaan kaya di naman nakakaasiwa kung doon ko siya kausapin. "Gusto ko lang mag-sorry sa naging trato ko sayo last time. I wasn't in a very good mood at that moment. Pasensiya ka na," nahihiyang sabi ko.

"Wala sa akin yun. Alam ko namang mabait ka naman talaga eh," tatawa-tawang sagot niya. "Pero kahit pa sungitan mo ako ng sungitan, it won't change my feelings for you."

Asiwa akong ngumiti. "About that... I'm flattered to be admired by a guy like you but I'm already in love with someone else."

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon