28-Sweet Deanery Pasta

10.5K 663 185
                                    

"Ma'am yung phone niyo nagvivibrate mukhang may tumatawag," ingat na ingat na sabi sa akin ni Helen habang nilalagyan ako ng bagong tsaa sa mesa.

Inalis ko ang aking mga mata sa mga disenyong aking masusing pinag-aaralan. Nag-alangan muna akong damputin ang telepono pero nang makitang si Rowena ang tumatawag ay agad ko din yung sinagot.

"Hello Rowena!" masayang bungad ko.

"Pasensiya na Deany alam ko busy ka pero may ikukunsulta ako sayo. Andito kasi ako sa venue ng party natin para kina Dustin..."

"Ah okay anong concern mo tungkol diyan?" Medyo nanamlay ako pero di ko yun pinahalata.

"Itatanong ko lang kung okay na ba sayo ang isang katamtamang laki lang na music bar? Yung komportable para sa mga forty to fifty na bisita. Eto lang yung nakita naming maganda-ganda pero di kamahalan ang renta at exclusive na atin lang talaga ng buong gabi."

"Bakit di na lang tayo maghanap ng function hall sa isang hotel? Samahan na rin natin ng jazz band at kumuha na rin tayo ng isang magaling na stylist para mapaganda talaga yung lugar," seryosong suhestiyon ko.

"Madam Deany surprise party lang ang ipiprepare natin. Yung naiisip mo parang reception na ata ng kasal yan," natatawang sabi ng aking kausap.

"Ah bakit medyo OA ba?" kunot ko.

"Oo naman! Tayo-tayo lang magkakaklase tapos sa hotel pa. Tapos ano? Diretsong formal attire na rin tayo?"

"Sige kayo ang bahala ang gusto ko lang naman ay masiguradong matutuwa sina Dustin sa surpresa natin. Pero kung saan pa rin komportable ang mga ibang kaklase natin ay dun na rin ako," walang pag-aatubiling pahayag ko.

"Casual party lang naman to Deany kaya sa palagay ko okay na tong lugar na to. Tsaka kami na lang magpapaganda huwag na tayong kumuha ng stylist sayang lang ang ibabayad. May in-house band na rin sila, pwede naman tayong magrequest kung anong genre ng mga kanta ang gusto nating kantahin nila."

"Sige kayo ang bahala itext niyo na lang sa akin kung magkano babayaran sa renta at kung saang account ako magpapadeposit," mabilis na pagsang-ayon ko.

"Sige salamat Deany."

Ngumiti ako. "Salamat din sa pag-aasikaso niyo sa lahat-lahat. Nahihiya ako na pera lang talaga ang naitutulong ko."

"Naku huwag mo nang isipin pa ang ibang bagay Deany saka kahit pa di ka magbigay ng pera, di ka pa rin namin oobligahing tumulong kasi kagagaling mo lang di ba."

"Salamat. Kelan nga pala yang party natin?"

"Ah isa pa nga pala yan sa concern ko. Kelan ka ba available? Weekend sana para available din lahat ng mga classmates natin."

"I'm not available this weekend. Uuwi ako ng probinsiya pero baka mga two to three days lang ako dun kaya next weekend pwede na ako."

"Okay ganun na lang. Ipapareserve ko na lang to next weekend," she answered.

"Thanks. Pano tawagan na lang tayo ulit para sa susunod na updates," ngiti ko.

"Okay thank you ulit. Pag-uwi mo ikumusta mo na lang ako sa mga makikita mong mga kaklase natin dun."

"Sure. Bye."

"Bye Deany. Ingat ka palagi."

Napabuntong-hininga ako pagkababa sa cellphone. Kahit mabigat sa dibdib ang paksa ng pinag-uusapan namin ay unti-unti na rin akong nasasanay. Ang importante ay unti-unti ko nang naayos ang relasyon ko sa aking mga dating kaklase. And I planned to gradually change their impression on me. Kasama na rin dito ang excitement ko na magkakasama ulit kaming lahat.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon