42-Being With You

8.3K 503 104
                                    

"Ano na naman ba yang pumasok sa utak mo Deany? Huwag mong sabihing may plano ka ng abandonahin ang kumpanya mo!" kontrang sagot agad sa akin ni Kuya Richard. I invited him for a breakfast meeting at seven in the morning. We meet halfway. Tungkol ito sa trabaho at dahil ako ang may balak humingin ng pabor, wala akong lakas ng loob na papuntahin siya ng Antipolo nang ganun kaaga.

"I'm not planning to abandon it. I'm just asking you to help me co-manage DKM for the meantime," mahinahong paliwanag ko. Nagdekuwatro ako at naupo nang tuwid. I held my cup with two hands and sip the coffee with a poise. I'm trying to intimidate my brother. He's maybe our eldest but I am still the boss at work. Sana umepekto ang pang-iintimidate ko sa kanya.

"What about Rich Jobs? Who will manage that manpower if I'm going to work in DKM? Andami pa namang mga reklamo ngayon sa NLRC."

I laughed softly and gracefully put the cup on the table. "Let our lawyers do it. Kapag nasa DKM ka, yung assistance mo na lang muna ang mag supervise sa Rich Jobs. I know you can do it, nung nasa hospital nga ako ilang buwan mong na-manage yung Rich Jobs, DKM at glass factory nang sabay-sabay. Ano pa kaya tong three times a week lang na hinihingi ko," ubod nang lumanay na wika ko.

Lumukot ang kanyang mukha at litong tumingin sa akin. "But why? Why met me this early hour for this incomprehensible decision of yours? Gusto ko munang marinig ang dahilan mo."

Kunway poise na poise pa rin akong uminom ng kape pero ang totoo ay kinakabahan na ako sa magiging reaksiyon niya sa sagot ko. Inilapag ko ang tasa at pasimpleng lumunok. "I want to spend more time with Dustin."

Muntik niya nang maibuga ang kape. "What? Seriously, anong nangyari sa pagiging negosyante mo? Umibig ka lang eh parang gusto mo nang isuko ang lahat."

Nakahanda agad ako sa pagsagot. Ilang oras ko tong prinaktis kagabi sa harap ng salamin. "I know my decision isn't a bit normal but I have my reason. Isa pa hindi kami gaanong nagkakaoras ni Dustin sa isa't isa dahil sa trabaho. Between the two of us, ako yung pansamantalang pwedeng magsakripisyo because he just started his business. Napaka selfish ko naman kung magdi-demand ako ng maraming oras sa kanya kaya ako na lang ang mag-aadjust." Sumuko na ako sa pagkukunwaring pormal. I clasped my hand and boldly begged him. "Sige na naman kuya please pagbigyan mo na tong kapatid mo. I know ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon. Sige na kuya please!"

He chuckled. Halatang di siya makapaniwala sa inaasal ko. "Ganyan mo ba talaga siya kamahal?"

I modestly touched my heart."Yes Kuya Richard. Pakiramdam ko walang pakinabang ang araw ko pag hindi ko siya nakikita," kunway naluluha-luhang sabi ko. Dumampot ako ng tissue at marahang pinahiran ang gilid ng aking mga mata.

"Eh kung gusto mo rin naman palang nagkikita kayo araw-araw bakit di pa kayo magsama? Araw-araw mo siyang makikita at the same time makakapagtrabaho ka pa rin."

Bigla kong naitapon ang tissue sa mesa. Ilang sandali akong hindi nakaimik sa sinabi ng aking kapatid. Tama ba na sa mismong bibig niya yun nanggaling?

"Kuya are you sure about what you just said?"

Tumikhim siya. "Oo tutal matatanda na rin naman kayo at mas mabuti pang ayain mo nang magpakasal habang pwede ka pang magkaanak nang marami."

"I can't tell him that. Kahit mahal na mahal ko siya I have a pride as a woman too!" taas noong ismid ko nang di pa rin mapaniwalaan ang pinagpapayo sa akin ng aking kapatid.

"Kung ganun I'll give him an idea na mag-propose na sayo."

Nanlaki ang aking mga bata. "Don't!" Napapalo pa ako sa mesa na ikanagulat niya. "Please don't ever, ever suggest that to him," madiing-madiing sabi ko.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon