18- Memories She Carries

9.6K 592 135
                                    

Nagmulat akong wala na naman si Dustin sa aking tabi. Ang dalagita pa rin ang kasama ko sa kuwarto. Baluktot siyang natutulog sa couch. She was only wearing short and thin cotton top. Halatang lamig na lamig siya sa aircon. Sa di ko alam na kadahilanan biglang lumambot ang puso ko sa kanya. Kung nakakagalaw lang ako ay kinumutan ko na siya.

Wala na ang breathing tube na nakakabit sa aking bibig. Pinalitan na iyon ng simpleng oxygen mask. Pinatay na rin ang mga machine na nakakonekta sa aking dibdib. Mas malakas na ang pakiramdam ko at naibsan na rin ang matinding pananakit ng aking katawan. Bagamat meron pa ring sakit, kahit papaano ay nagagawa ko nang igalaw ang aking mga kamay at ilang parte ng aking katawan. Tinanggal ko ang oxygen mask because it's making me feel uncomfortable. By then I learned that I could breathe properly already.

"Ja-Jan..." Sinubukan kong tawagin siya sa pangalang itinawag sa kanya ni Dustin pero parang meron pang nakaharang sa aking lalamunan. Mahina, manipis at paos na boses ang lumalabas. I swallowed hard. Pati paglunok ay masakit pa rin. I tried calling her name again.

"Ja-Ja-nel-lle," paos at pabulong pa rin na bigkas ko. I took a deep breath to fill my lungs with air.

"J-Janelle... J-Janelle...J-Janelle." Hindi ako sumuko sa pagtawag sa kanya hanggang sa maging normal na ulit ang tunog ng boses na lumalabas sa aking bibig. "Janelle!"

She instantly opened her eyes. Kinusot niya ang mga mata ng kamay. Naupo, humikab at nag-inat ng mga kamay. Nagpalinga-linga siya na tila may hinahanap. "Huh? May tumawag ba sa akin?" When she found out that no one was around saka lang siya tumingin sa akin. Nagulat siya at tarantang lumapit sa akin."Anong nangyari ba't natanggal ang oxygen niyo?"

She tried to put it back pero pinigilan ko ang kanyang kamay. Napanganga siya. "Huh? Nagagalaw niyo na ang kamay niyo?"

"Nasaan si Dustin?" mahinang tanong ko.

Mas lalo siyang nagulat. Ilang sandali siyang natulala. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tumakbo siya palabas.

"Nurse! Nurse nakakapagsalita na si Tita Deany!!!!" dinig kong sigaw niya na para bang nagbo-broadcast sa isang buong baranggay ng napakahalagang kaganapan.

Nang maiwanan sa kuwarto ay bigla akong nakaramdam ng pangungulila. Bakit parang pakiramdam ko ay mag-isa lang ako? I had a serious accident pero wala ni isa man sa pamilya ko ang naroroon. Kahit si Dustin ay saglit ko lang nakasama. Bakit ibang tao pa ang nag-aalaga sa akin?

Bumalik si Janelle na may kasamang apat na nurse. Kagaya ng reaksiyon ni Janelle nagulat din nang makitang tinanggal ko ang aking oxygen mask. Dali-daling ibinalik yun ng isang nurse. Pinigilan ko rin ang kamay niya.

"Okay na ako. Nakakahinga na ako ng normal," salita ko.

Nakangangang nagkatinginan sila at pagkuway ngumiti sa isa't isa.

"Sabi ko sa inyo. Nakakapagsalita na si Tita Deany eh," tumatalon at pumapalakpak pang wika ni Janelle.

"Ma'am kailangan po nating ibalik tong oxygen mask niyo. Baka kasi anumang oras ay mahirapan ulit kayong huminga," pagsuyo sa akin ng nurse.

"But it's making me uncomfortable," katwiran ko.

"O sige basta po kapag medyo nakaramdam kayo nang hindi normal na paghinga. Isuot niyo agad ha at tiyak na mapapagalitan kami ni Doc Aguirre kapag napasama ang lagay niyo dahil diyan.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon