8-The King And Queen

9.4K 559 59
                                    


Nagpapanic si Mama. Hindi pa kasi dumarating ang gown na nirentahan niya. Ako yung aattend ng event pero siya itong stress na stress. Ako na ang napapagod sa pagpaparoo't parito niya.I wished I just return in another regular day but unluckily I came back on the day of our prom. 

"Mama pwede ba magrelax ka lang," saway ko sa kanya.

"Paano ako magrerelax eh alas kwatro na wala pa ang gown mo. Alas sais ang simula ng JS niyo. Nasan na ba itong si Matet?!" Si Matet ay ang baklang katulong niTita Lily, kapatid ni Mama. Nagpresenta na siya ang maghahanap ng gown ko pero nagkataon namang yung pinareserve niya ay ibinigay sa iba ng nagpaparenta kaya aligaga tuloy na maghanap ng bago. "Sinabi ko naman sa kanya na kuhanin niya na agad pero tiwalang-tiwala siya sa kausap niya. Tingnan mo tuloy ang nangyari ngayon!"

"Pagpasensiyahan niyo na Mama. Di rin naman iniexpect ni Matet na ganito ang mangyayari. Kung wala talagang gown, hindi na lang ako aattend ng JS. There was nothing exciting about it anyway." I just said the truth. JS wasn't a memorable experience for me. I only sat in the corner waiting for the night to be over. I didn't dance with anybody not even with Dustin. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero kapag pinagbigyan ko ang isa ay tiyak na sunud-sunod nang lalapit ang iba. And definitely if I danced with them hindi nila ako lulubayan sa mga nakakatindig balahibo na mga pambobola nila.

"Hindi pwede! Lagi mo na ngang tinatanggihan ang mga pageant na pinasasalihan ko sayo. Etong JS na lang ang pagkakataon mong magka title. Dapat manalo ka ngayong Prom Queen!" my mother insisted with unfaltering determination. How I wish I could make her dream come true on my 2nd prom but I doubted because that wasn't what my diary said. I didn't get any award. I was the front runner at first but because of my dull attitude towards the event I was removed from the list of candidates.

May humintong trycicle sa tapat ng aming bahay. Nagmamadaling bumaba si Matet akap-akap ang gown. Siya ay baklang may malaking katawan na nagpupumilit magmukhang babae. Mahaba ang maitim at makapal na buhok pero di bagay dahil ang laki naman ng adam's apple. He had whiskers too and a prominent mole above the upper right lip. He was wearing glossy red lipstick that made him look sticky because of his very oily face.

"Eto na! Eto na Ate Sonia!" tawag niya kay Mama. "Huwag ka nang ma-stress at mas maganda pa kesa dati ang nahanap kong gown. Hiniram ko pa ito sa baklang amiga ko na handler ng mga beauty queens. Ang gown na ito ay sinuot pa sa pageant ng nanalong Ms. Bicolandia!" proud na proud na pahayag niya.

Sinukat ko ang damit. It was a pink gown which was the color of juniors. Eksakto naman ang sukat sa katawan ko. Tuwang-tuwa si Mama at Matet. Gandang-ganda sila sa suot ko habang ako ay nakatulala sa harap ng salamin at kukurap-kurap lang sa aking hitsura. Gawa sa makapal na ruffles ang sleeves at halos matakpan na ang leeg ko. Same with the long balloon skirt na mas lalong naging baloon pa dahil covered din ng ruffles. The only part I liked was the bodice which was sewed with elegant bead works and stones.

"Ma ayoko nito!" padyak ko.

"Bakit anong ayaw mo diyan? Ang ganda-ganda nga eh!" taka ni Matet na halatang nasaktan ang ginintuang pride.

"Masyadong old-fashioned," ngiwi ko.

"Yan ang trend ngayon bakla!" giit ni Matet.

Maybe in their eyes it was perfect but for my taste who already wore elegant designer gowns, it was a total disaster.

"Ma irepair mo to tutal marunong ka namang manahi at may makina ka naman diyan. Or else hindi na lang ako aattend ng prom."

"Naku di mo pwedeng sirain yan Deany. Hiniram ko lang yan!" tutol agad ni Matet.

"Ibabalik naman natin sa dati eh."

"Aber ano namang irerepair mo diyan?" halukipkip ni Matet.

"Tanggalin na itong sleeve. Nakakalunod na yung ruffles. Can you just make it a tube gown. Medyo magbabalance na tingnan kasi sobrang balloon na ng skirt and my upper body could breathe better. Kaya mo ba mama?"

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon